Mga bata gustong gawing matandang OFW, para makapag-abroad
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

HINDI pinayagan ng Bureau of Immigration sa NAIA na paalisin ang tatlong underage na OFWs matapos nilang harangin ang mga ito sa pagsakay sa eroplano ng Gulf Air Airlines papuntang Saudi Arabia.

Bakit?

Nabuko silang masiadong bata at hindi tama ang edad na nakatitik sa kanilang mga passport.

Hindi natin babanggitin ang kanilang mga pangalan dahil may prohibition sa anti-trafficking law na ipinatutupad.

Sabi nga, bawal!

Ang legal age kasi ng mga OFWs ay 23-years old, ito ang batas na ipinatutupad sa Philippines my Philippines kaya naman kung mas bata pa rito ang edad ng isang aalis na OFW going abroad ay bawal ito.

Ika nga, mapa-babae o lalaki man!

Sabi ni Erwin Ortanez, hepe ng BI - Travel Control Enforce­­ment Unit, gumagawa ng gimik ang mga handlers ng mga batang OFWs para maging hustong gulang ang mga OFW na kanilang palalabasin, pero ang mga ganitong style ay hindi makakalusot sa TCEU group.

Ika nga, buko na !

Ang mga ito ay may mga valid overseas employment certificates, job contract at working visa ang paltos nga lamang sa gimik ng kanilang mga handlers ay wala sa tamang edad.

Sila ay isasalin sa pag-iingat ng IACAT sa paliparan para maimbestigahan kung sino ang gumawa ng gimik para sa kanila. Abangan!

* * *

Ang inilubog na water project ni Apo Marcos, dapat napakinabangan ngayon       

HINILING ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, sa gobyerno na madaliin ang konstruksyon ng water flagship project, kabilang ang Kaliwa at Laiban Dam.  

‘Hindi biro ang halaga ng tubig, mataas ang presyo nito, pero maayos ba ang serbisyo? Kung hindi nila kaya, siguro may ibang magsisikap na mag serbisyo sa madlang public ng tama. Alalahanin dapat nila ang serbisyo, hindi lang puro kita.’ patutsada ni Marcos.

“Baka kailangan ang mas maraming concessionaires ang papasukin at patatagin ang pamamahala ng gobyerno sa water resource management, supply at delivery. Privatization dapat maghatid ng mas maraming bilang sa madlang people at hindi ng ilang mga korporasyon, ‘tirada ni Marcos.

Ikinuento ni Marcos, na ang Kaliwa at Laiban Dam project ay sinumulan sa panahon ni former Prez Apo Marcos, pero binalewala lamang ito ng dating administrasyon.

Sinabi ni Marcos, ang tubig ay buhay -- napakaraming mamamatay at magkakasakit pag mawala ‘yan Makakatiis man mas matagal ang madlang Pinoy na walang kuryente, pero kung walang tubig sobrang pahirap ‘yan sa kanila. 

“Hindi ito biro dahil maraming malalagay na buhay sa mga ospital kung walang tubig ganoon din kung magkakasunog nang walang magamit na tubig,” sabi ni Marcos.

Sabi ni Marcos, hindi lahat ng madlang people lalo na ang mga mahihirap ay kayang bumili ng mineral water para pang-inom nila o pampaligo.

Ikinuento ni Marcos, na nakita na ito ng kanyang erpat na kukulangin ang supply ng tubig kaya naman naisip na niya ito noon na magtayo ng mga dams para hindi kapusin sa tubig ang lumalaking bilang ng madlang people sa Philippines my Philippines lalo na sa Metro-Manila, pero ano ang ginawa ng administrasyon ni Noynoy Aquino ibinasura ito kaya tuloy naghihikahos ang madlang people ngayon sa tubig.

Sabi ni Marcos, kailangan natin suportahan si Boss Digong dahil siya lamang ang gagawa ng proyektong ito para sa madlang Pinoy.

Bukod sa dalawang dams, binanggit ni Marcos, ang proyekto ng administrasyong Duterte sa water flagship project tulad ng 500 MLD Wawa Dam, 800 MLD Angat-Norzagaray tubig, ang 350 MLD Bayabas Dam, at ang 500 MLD mula sa Laguna Lake.

Ano sa palagay ninyo? Abangan!

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with