^

PSN Opinyon

Kasunduan sa karagatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGKASUNDO ang Vietnam at Pilipinas na hindi na huhulihin ang mga mangingisda ng magkabilang bansa kung sakaling pumasok na sa kanya-kanyang teritoryo sa karagatan. Ito ang naging pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana nang bumisita sa Vietnam. Laking sakit ng ulo lang daw kung huhulihin, dahil kailangan pang ala­gaan habang nasa kustodiya ng bansa. Nang pinalaya ang mga mangingisdang taga-Vietnam noong 2016, humi­ngi pa ng gasolina at pagkain.

Dagdag pa ni Lorenzana, hindi naman daw alam ng mga mangingisda kung nasaan na sila at wala namang mga GPS, dahil mahihirap lang daw. Wala namang mga marka sa karagatan na magtuturo na bahagi na ng Viet­nam o kung ano pang bansa. Kaya nagkasundo na pagsabihan na lang nang maayos at pabalikin, kung sakaling nasa loob na ng teritoryo.

Mabuti pa ang Vietnam at madaling kausap. Puma­yag kaya ang China sa ganyang kasunduan, o mas gusto ang paninindak at pananakot, at kung kinakailangan ay itataboy sa pamamagitan ng malakas na buga ng tubig? Wala nga raw kaparehong kasunduan ang Vietnam at Pilipinas sa China. Alam kong masalimoot ang sitwas­yon ng Vietnam at China pagdating sa mga mangingisdang pumapasok sa kani-kanilang teritoryo.

Nagsalita naman ang kumander ng US 7th FleetVice Adm. Phillip Sawyer, na hindi magbabago ang kanilang ginagawang malayang paglalayag sa South China Sea, sa kabila ng delikadong pagtataboy sa isa sa kanilang barkong pandigma ng China noong nakaraang taon. Hindi sila matitinag sa ginawang paninindak. Galing ang USS Blue Ridge sa South China Sea bago dumating sa Manila.

Maganda sana kung makakausap nang maayos ang China pagdating sa mga mangingisda sa karagatan. Pero kung magsalita ang kanilang mga opisyal at pulitiko na hindi naman itataboy nang marahas ang mga mangi­ngisda natin, hindi rin naman pinapayagang mangisda ng kanilang hukbong karagatan at coast guard sa ating malinaw na teritoryo, tulad ng Panatag Shoal.

DELFIN LORENZANA

FISHERMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with