Krisis na sa tubig
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2019 - 12:00am

NAGLABAS na ng water interruption schedule ang Manila Water sa mga sineserbisyong lugar. At hindi maganda ang hinaharap ng mga taga-Metro Manila. Nasa 6 hanggang 20 oras silang mawawalan ng tubig. Tila bumalik tayo sa mga taon na nawalan din ng tubig sa lungsod. Wala tayong ma­gagawa kundi magtiis. Ang problema ay baka umabot pa raw ng Agosto ang ganitong sitwasyon.

Hindi ba ito nakita ng mga opisyal at tila ngayon lang nagkakagulo hinggil sa rasyunan ng tubig? Na ngayon lang nagtatanong ang mga mambabatas kung anong nangyari? Iimbestigahan daw ng Senado ang sitwasyon, at kung ano ang mga puwedeng gawin. Pero biglaan lang bang bumaba ang level ng tubig sa La Mesa Dam, na parang may humi­gop? Hindi ba dapat noon pa pinag-usapan ang mga puwe­deng gawin kung unti-unti na ngang bumaba ang level?  

Ayon sa MWSS, kasalanan ng gobyerno kung bakit may krisis ngayon sa suplay ng tubig sa Metro Manila. Pero ang sinisisi ay ang mga nakaraang administrasyon, dahil hindi sinimulan ang seryosong paghahanap ng panibagong pagkukunan ng tubig para sa lungsod, partikular ang paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon. Matagal na raw planong proyekto ito, pero hindi umuusad dahil sa pagtutol ng ilang grupo. May masasamang epekto raw sa kalikasan, at mapipilitang mawalan ng tirahan ang mga katutubong matagal nang nasa lugar. May mga nababahala rin sa pagkukunan ng pondo sa China para tuluyan nang umusad ang proyekto ngayon.

Nasa krisis na ang Metro Manila. Ayon sa MWSS, ginagawan na nila ng lahat ng paraan, pero ang babala ay mas lalong lalala ang sitwasyon, bago gumanda. May tubig pa nga ang Angat Dam, pero hindi raw puwedeng ibigay lang sa Metro Manila at kailangan din para sa irigasyon. Sana ay dumating nang maaga ang ulan, pero dahil El Niño nga, nasa kamay na talaga ito ng Diyos.

MANILA WATER WATER INTERRUPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with