EDITORYAL - Huwag nang patagalin pa ang buhay ng Road Board
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

NAKAPAGTATAKA kung bakit hindi pa nilalagdaan ni President Duterte ang House Bill 7436 na nag-a-abolished sa graft-ridden Road Board. Matagal na umanong nasa mesa ng Presidente ang panukala pero wala pang aksiyon. Mas nauna pa niyang lagdaan ang ilang batas na hindi naman prayoridad. Kapag hindi pa nilagdaan ng Presidente ang HB 7436, sa loob ng 30 araw, mawawalan na ito ng saysay.

Tiyak na maraming motorista ang masisiyahan kapag nalagdaan na ang batas. Mabubuwag na rin ang ahensiyang kumukolekta sa motor vehicle user’s charge (MVUC) na binabayaran ng motorista taun-taon kapag nagre-renew ng sasakyan. Umali­ngasaw ang baho ng corruption sa Road Board noon pang 2017 at nalanghap ito ng Presidente. Nakiusap siya sa Kongreso na buwagin ito. Nakiisa rin ang Senado kaya naging mabilis ang pasya para sa pagbuwag sa maanomalyang ahensiya. Ayon sa report, mula 2001 hanggang May 2018, ang total collection mula sa MVUC ay P166.18 bilyon. Ang laki!

Sa ilalim ng HB 7436, ang pondo na makukuha sa MVUC ay ire-remit sa National Treasury sa ilalim ng special account sa General Fund. Ang pondo ay ekslusibong gagamitin lamang sa pagpapagawa, pagre-repair, pag-a-upgrade at pag-rehabilitate ng mga kalsada, tulay at drainage system. Makakasama ang pondo sa taunang General Appropriations Act.

Hindi nagagamit nang maayos ang pondo sa ilalim ng Road Board kaya naisip ng Presidente na buwagin na ito. Marami nang bali-balita sa nangya­yaring korapsiyon sa Road Board pero walang mag­lakas ng loob na magreklamo para mahalukay ang tungkol sa nalilikom na pondo.

Maraming motorista rin ang nagtatanong kung bakit sa kabila nang taun-taon na pagbabayad ng MVUC ay sira-sira pa rin ang mga kalsada at tulay. Bukod pa rito, marami rin ang walang sapat na signages o mga babala sa kalsada. Ang mga gilid ng bundok ay walang railings dahilan para mahulog ang mga pampasahero at pribadong sasakyan. Marami nang malalagim na pangyayari na ang pampasaherong bus ay nahuhulog sa bangin dahil sa kawalan ng barriers.

Hindi na dapat patagalin pa ng Presidente ang buhay ng Road Board. Lagdaan na ang batas para masimulan na ang pagpapagawa sa mga sirang kalsada, tulay, drainage at maski ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Nasa kamay ng Presidente ang katuparan nito.

GRAFT-RIDDEN ROAD BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with