Kurapsyon sa BI, pinagtatakpan?
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

NAKAKATULIG na ang mga tenga ng madlang Pinoy tung­kol sa isyu ng pagdami ng mga foreign nationals sa Philippines my Philippines lalo na ang mga Chinese natio­nals na nagta­trabaho sa ilang lugar dito.

Kaya tuloy ang mga pobreng kababayan natin ay halos walang tumanggap at mahanap na trabaho dahil ang mga ito ang siyang naha-hire ng kanilang mga employer.

Ibig sabihin nakuha ng mga illegal Chinese nationals ang tra-baho na dapat sana sa mga unskilled workers na madlang Pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ang isyung pagdami ng mga banyaga ang dapat pang kalikutin ng Senado kasi alam na nila ito. Nabasa, napakinggan at napanood sa telebisyon.

Ang dapat bulatlatin para mabulgar ay ang ginawang imbestigasyon at kung sinu-sino ang sabit na mga opisyal ng Bureau of Immigration tungkol sa isyung multi - million scam sa pagbibigay ng ‘special working permit visas’ at iba pa.

Hindi biro diumano ang kinita ng mga kurap para ma­pabilis ang pag-isyu ng SWP at iba pa r’yan sa SM Aura BI Satellite Office.

Sabi nga, P5,000 ang kalakaran. Walang hingian ng resibo sa perang ipinantapal kaya naman sabi ng isang Senador i-multiply ang halaga sa 180,000 foreigners na kumuha nito iyon ang kinita diumano ng mga kurap.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ito dapat ang himayin ng todo huwag itong tantanan at ilabas ang ginawang imbestigasyon tungkol dito.

Ang mga sinasabing sangkot dito ay sinibak lang ni BI Com­missioner Jaime Morente, hindi na inilabas ang ginawang im­es­tigasyon.

Bakit?

Magkakaalaman umano ng totoo at maraming sasabit sa kaso ng katiwalian.

Ika nga, iyong mga nakinabang sa perang nakuha ng mga kurap sa loob ng halos isang taon. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa rami ng salaping nakuha sa pangongorap na ibinulsa ng mga tiwali rito, nagkaroon nang pagkakataon na kumabit sa mga tiwali ang umano’y batang-batang immigration officers para magkaroon ng magandang puesto at magka-pera rin.

Dahil sa puputok ang isyung ito ay pinagsisipa ang mga tiwali sa kani-kanilang mga puwesto pero itinago ang imbestigasyon para hindi pumutok sa madlang public at mala­man pa ni Boss Digong. Take note, SOJ Guevarra, Your Honor!

Ano sa palagay ninyo?

Dapat bang ilabas ang imbestigasyon?

Abangan.

* * *

Ok na ang MNPA!

BATAS na ang Mobile Number Portability Act o ang Re­public Act number 11202, matapos itong pirmahan ni Boss Digong the other day, ang layunin nito ay para mabigyan ng - freedom to choose” ang consumer na pumili ng kanilang mobile service provider sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangan magpalit ng kanilang mobile number.

Dapat lang naman.

Sa batas na ito, puede nang lumipat ang mga mobile subscribers sa kanilang mapipiling subscription.

Sabi nga, postpaid papunta sa prepaid vice versa nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number.

Hinihikayat din ng batas ang mga mobile service provi­ders na itulak ang maayos na kompetisyon at magbigay ng mas magandang serbisyo sa kanilang consumers.

Nasa batas, hindi puedeng tanggihan, pigilan o huwag iproseso ng isang Public Telecommunications Entity ang apli­kasyon ng isang consumer na gustong mag-avail ng Mobile Number Portability o MNP at libre rin ang serbisyo nito.

Libre dapat na ibigay ng mga PTE ang serbisyo ng pag unlock ng mobile phone ng kanilang mga service providers na gustong mag-avail ng MNP.

Inaatasan ang mga PTE na pangalagaan ang privacy ng kanilang subscribers base sa mga nakasaad sa Data Privacy Act of 2012.

Ayos ito! Abangan.

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with