EDITORYAL - Nararamdaman na ang bigat ng excise tax
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

NAG-ROLLBACK noong nakaraang linggo ang petroleum products pero sa susunod na linggo, may nakaambang pagtataas. Babawiin agad ang ni-rollback. At sabi, maaaring magkasunud-sunod na ang pagtataas dahil nagbabawas ng production ang mga bansang nag-eexport ng langis. Mula nang pumasok ang 2019, nakakalimang pagtataas na ng petroleum products at nararamdaman na ang bigat nito sapagkat may pataw ng excise tax. Nagkabisa ang excise tax noong Enero 1.

Sa pagtaas ng petroleum products, tiyak na tataas din ang mga pangunahing bilihin. Susunod sa presyo ng gas ang prime commodities gaya ng sardinas, mantika, asukal, karne at isda. Gumagamit ng gasolina sa pagdedeliber kaya apektado ang mga pangunahing pangangailangan.

Tiyak mangangalampag na naman ang transport group sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maibalik sa P10 ang pasahe sa dyipni. Dahilan nila, wala nang naiuuwi sa pamilya ang mga drayber ng jeepney dahil sa mga serye ng pagtataas ng diesel. Kailangang maibalik sa P10 ang pamasahe para hindi naman maging kawawa ang pamilya ng mga drayber.

Unang ipinatupad ang excise tax sa petroleum products noong Enero 2018 kung saan P7.00 bawat litro ang pinataw sa gasolina; P2.50 sa diesel at P3.00 sa kerosene. Ngayong 2019, mas mataas ang excise tax sa bawat litro ng gasolina na pumapalo sa P9.00; P4.50 sa diesel at P5.00 sa kerosene.

Noong nakaraang taon, malakas ang panawagan na suspendihin ang excise tax sa petroleum pro-ducts pero, hindi natinag ang  pamahalaan. Noong Oktubre 2018, pinahayag ni President Duterte na payag siyang suspendihin ang excise tax pero sinansala ito ng kanyang economic advisers. Hindi raw maaaring suspendihin sapagkat dito kinukuha ang pondo sa “Build, Build, Build” program.

Ngayong sumisipa na naman ang presyo ng gasolina at diesel, walang ibang tatamaan nito kundi ang mga kakarampot ang kita. Hindi ang mga mayayamang advisers ng Presidente ang makakadama ng hirap kundi ang mga maliliit ang kinikita. Sana, itinuloy na lang ang pagsuspende sa excise tax at hindi nakinig sa mga matatalinong advisers. Marami na naman ang aangal ngayon dahil sa pagmahal ng bilihin.

EXCISE TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with