^

PSN Opinyon

Mentally challenged daw sabi ng ina, pero gawaing kriminal pala

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI matatawaran ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Kumpara sa mga kalalakihan, iba ang malasakit at pag-aaruga ng isang ina. Dahilan na rin na sila ang nagluwal ng kanilang mga anak sa mundong ito.  

Kapag umibabaw ang maternal instinct ng isang ina, ipaglalaban ang anak ng patayan. Kahit na minsan, wala na sa tama ang nagawa ng bata, kakampi pa rin ang ina.  

Ito ang naging kaso ng reklamong nakarating sa BITAG Kilos Pronto. Sumbong ng isang nag-aalalang ina, hinuli raw ng barangay at pulis ang kanyang anak na ngayong nakakulong na.

Dinampot ang kanyang anak dahil sa kasong panggugulo o public scandal. Depensa niya, may sakit sa pag-iisip ang kanyang anak at di nalalaman ang mga ginagawa. Aniya, nagkaroon lang sila ng “away” ng kanyang tatay na nagresulta sa basagan ng bote.

Takot na takot ang magulang dahil kasalukuyang nasa Camp Karingal na ito. Hinihingian daw siya ng P80,000 ng mga pulis kapalit ng paglaya ng anak.

Maraming butas sa kuwento ng ina lalo na’t wala siyang hawak na inquest papers para sa kaso ng kanyang anak. Para sa patas na serbisyo publiko at matulungan din ang ina, nagsagawa ng imbestigasyon ang aming Strike Force nang oras ding ‘yun.

Base sa mga otoridad, dinampot ang suspect matapos mag-iskandalo sa lugar. Tumulong na ang barangay matapos makita ang lalaki na may dalang baril.

Sa amin ding pag-iimbestiga, marami na rin pala itong record sa barangay. In short, trouble maker.

Ang hinihinging halaga naman sa ina ay piyansa pala at hindi kotong. Sa huli, naliwanagan siya sa sitwasyon at humingi ng paumanhin.

Masakit para sa isang magulang kapag napahamak ang kanyang anak. Marahil nabulag na siya sa pagmamahal sa anak, kaya di na makita ang tama sa mali.

Pero ang mali ay mali; Itim at puti. Walang gray area. Bilang magulang, responsibilidad na itama ang mga anak oras na gumawa ng kalokohan.

Kung totoong hirap sa pag-iisip ang kanyang anak, korte na ang magdedesisyon kung absuwelto nga ito o maituturing na kriminal.

 

vuukle comment

MENTALLY CHALLENGED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with