Pulitika
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MABUTI naman at nilinaw kaagad ng Department of Tourism (DOT) na wala silang kinalaman o koneksyon sa WOW Pilipinas party list, matapos makita ng buong mundo ang kanilang napakalaking mga logo sa sahig ng boxing ring, pati sa mga poste ng nasabing ring kung saan luma­ban si Manny Pacquiao at Adrien Broner.  Nanalo si Pacman sa laban. Pinuna rin nang marami ang pagbuhat ni Bato dela Rosa ng belt ni Manny.

Wala sanang problema kung hindi eleksiyon. Kung gusto nilang gumastos ng milyun-milyong piso – hindi mura ang maglagay ng advertisement sa MGM Grand Arena, Las Vegas – wala sanang isyu, kung hindi eleksiyon. At kung gustong sumama ni Bato sa lahat ng laban ni Manny ngayong pribadong mamamayan na siya ay wala ring problema, kung hindi eleksiyon. Delikadesa lang ang tawag diyan. May pelikula pa si Bato ngayong katapusan ng buwan. Ayon sa Comelec, wala naman daw paglalabag ito, pero sa mata ng ibang tao, meron. Galing ng timing.

Lumalabas na napasok na rin ng pulitika ang laban ni Manny. Siguradong ipagtatanggol nila iyan nang husto. Baka pati si Manny ay ipagtanggol din iyan. Buti hindi nakasulat sa kanyang shorts ang pangalan ng kandidato o party list. Pero marami na nga ang pumupuna, pati ang DOT ay naglabas na ng hindi magandang pahayag tungkol dito. Labag daw ang ginawa ng party list sa mandato ng kagawaran na paunlarin ang turismo sa bansa, at hindi mamulitika. Si Manny rin ay bayani sa mata ng lahat ng Pilipino, kahit ano pa ang kanyang paniniwala sa pulitiko. Hindi dapat napupulitika ang kanyang mga laban, dahil ang buong bansa naman ang nasa likod niya.

Iba-iba na talaga ang mga pamamaraan ng mga kandidato para makilala o maalala pagdating ng eleksiyon. Dahil panahon na ng pangangampanya, todo na ang mga kandidato. Hindi na sapat ang mga tradisyonal na pangangampanya. Pero ang hindi ko maisip, ay kung magkano ang inabot para malagay ang kanilang pangalan sa laban ni Pacquiao. Paano na nila mababawi ang ganyan kalaking gastusin?

DEPARTMENT OF TOURISM MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with