^

PSN Opinyon

Bakit maraming galit sa Pambansang Kamao?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALUPIT ang ibang netizens ng social media sa ating Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao. Bago ang matagumpay niyang Welterweight title defense laban sa Amerikanong si Adrien Broner, may mga komento ng nananalangin na matalo sana siya. Obvious ang dahilan. Pulitika. May mga nagpapatutsada pa na lutong-macaw ang laban sa Las Vegas para manatiling sikat si Pacquiao, bilang preparasyon sa pagkandidato niya bilang Pangulo sa 2022.

Mayroon pang nagsasabing si Pacquiao ang nagbigay ng prize money na j2 milyon sa kalaban niyang si Broner para matuloy ang laban. Ang lufet ng mga ba­shers­ hane?

Galit ang ibang tao dahil pinapanigan ni Pacquiao ang mga policy ni President Duterte. Yung iba naman, bagsak daw sa kanila ang performance ni Pacquiao bilang Senador. Kay babaw na rason para ilaglag ang isang taong naghatid ng malaking karangalan sa Pilipinas at sa bawat Pilipino bilang kampeong pandaigdig na may hawak ng walong championship division belts sa boxing.

Naisip ko, kung ang ating minamahal na si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay makagawa ng isang aksyon o makapagsalita ng mga bagay sa pulitika na hindi maibigan ng marami, mawawala rin kaya ang paghanga sa kanya ng mga tao.

Ako rin ay ‘di pabor sa pagsawsaw ni Pacquiao sa pulitika. Pero hindi dapat madamay ang kanyang papel bilang tagapaghatid ng karangalan sa Pilipinas at sa bawat Pi­lipino. Nakalulungkot na habang bumubuhos ang pagha­nga ng mundo sa ating kampeon, mga sari­ling kababayan niya ang umaalipusta sa kanya.

This is spitting against the wind and undermining our own dignity. Mga Pilipino pa ba tayo kung ganyan ang ating inuugali? Kapag ang hangin ay sumasalubong sa’yo, huwag mong duraan dahil babalandra ang sarili mong laway sa pagmumukha mo.

Kung pati si Pacquiao ay aalipustahin dahil sa ibang political persuasion, Ano pa ang bagay na maipagmamalaki natin tungkol sa ating Mahal na bansa? I see no immediate hope and no glimmer of light in the horizon if our attitude won’t change. God help this country!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with