Tiwala sa China
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

ANG resulta ng pinakabagong pagsusuri kung sino ang pinagkakatiwalaang bansa ng mga Pilipino ay lumabas na. United States pa rin ang pinagkakatiwalaan ng ka­ramihan ng mga Pilipino. Kasunod ang Canada at Japan. Mababa naman ang tiwala ng Pilipino sa China at Russia­, mga bansang kinakaibigan nang husto ni President Du­terte. Ganito ang resulta kahit madalas tinitira ni Duterte ang US, at kuntodo puri naman sa China at Russia. Ka­ilan lang ay may dumalaw na mga barkong pandigma ng Russia sa Manila. Nakakadalaw pa kaya ang mga barkong pandigma ng US sa bansa, o dumadaan na lang sa karagatan? 

Lagi daw mataas ang tiwala ng Pilipino sa US, magmula pa noong 1994. Lagi rin daw mababa ang tiwala sa China, pero unti-unting tumaas sa ilalim ng adminis­trasyong Duterte. Pinakamababa noong administrasyong Aquino, na hindi umatras sa mga isyu ng South China Sea. Kapansin-pansin rin na karamihan ng mga ipinagbawal ng Bureau of Immigration na makapasok ng bansa ay mga taga-China, dahil sa pagwalang-galang, pagi­ging arogante sa mga opisyal ng immigration sa NAIA. Tatlumpu’t pito ang ipinagbawal noong nakaraang taon, kasunod ang mga Amerikano na 25. Hirap talaga kapag ang pakiramdam ng mga dayuhan ay espesyal na dapat ang pagtrato sa kanila.

Nananawagan naman si Sen. Ralph Recto ng pagsusuri sa tulong ng China sa tinatawag na “Safe Philippines Project”, kung saan maglalagay umano ng 12,000 CCTV sa buong Metro Manila at Davao. Ang kabuuang halaga ng proyekto ay nasa P20 bilyon. Seguridad ng bansa ang dapat daw pinuprotektahan. Ang kompanyang maglalagay ng teknolohiya ng mga CCTV ay Huawei Technologies, na kasalukuyang may mga isyu hinggil sa seguridad sa ilang bansa. Kung hindi na nga pinagkakatiwalaan ang China ng karamihan ng mamamayan, ito naman ang isang kumpanya mula China, na may mga isyu sa seguridad, na nais maglagay ng mga CCTV sa 2 malaking siyudad.

Magdadalawang-isip ka nga naman, na mukhang hindi isyu ng administrasyon, dahil sa kaibigan na kaibigan na nga ang China.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with