Bakit muhi ang madla sa mga mambabatas?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2019 - 12:00am

HINDI kataka-taka ang pagkamuhi ng madla sa mga mambabatas. Mahal pa ang pagkain at ibang bilihin, pero heto na sila na magpapataw ng mga bagong buwis. Ibubulsa lang nila ang buwis na ‘yan, sa pamamagitan ng bilyun-bilyong pisong ilegal na pork barrel. At kapag masakdal sila, pinawawalang-sala agad imbes na ikulong habambuhay.

Ang pakay ng mga mambabatas sa pagtakbo ay hindi na serbisyo publiko kundi ilegal na kita. Kumi-kickback sila mula sa mga proyektong pinaglaanan ng pork barrel. Bukod dito, pinagkakakitaan nila ang pagbubuwis, pagpa­prangkisa, at pag-imbestiga. Halimbawa sa pagba­yad imbes na matinding buwis sa sigarilyo, kumukolekta sila ng limpak-limpak na pera. Sa pagbigay ng prangkisa sa telecoms o kuryente o ano pang industriya, kumukubra rin sila ng suhol. At para imbestigahan o ipagtanggol ang isang negosyong public utility, kubra na naman ng pera.

Hindi sila nakukuntento ru’n. Nagpapasa pa sila ng mga batas na pansariling interes. Halimbawa, pagtaas sa limit sa gastos sa halalan, at pagbawal sa Anti-Money Laundering Council na imbestigahan ang mga transaksiyon nila tuwing panahon ng kampanya. Nanghihingi pa ng mga pansariling pabor sa Ehekutibo at Hudikatura. Kasama dito ang mga espesyal na plaka ng sasakyan para makalusot sa batas trapiko, at house o hospital arrest lang kapag binibista sa malalaking kaso.

Kaya nilang takutin ang pulisya at prosekusyon kung wanted at may nilabag na batas. Kaya nilang baliin ang mga desisyon sa korte dahil sa kanila dumadaan ang taunang budgets ng mga ahensiya sa Ehekutibo. At nakikialam sila sa pagtatalaga ng mga huwes sa kani-kanilang pook.

Pakaisiping mabuti ang mga ihahalal na mamba­­­­b­atas­. Baka ang mailuklok na naman ay mga mangga­gatas -- gagatasan nila ang madla.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PORK BARREL TAX
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with