^

PSN Opinyon

Iyan ang desisyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA na talagang kaso na kumapit kay dating President at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo. Dinismis ng Pasay Regional Trial Court ang kasong electoral sabotage laban kay Arroyo, dahil hindi raw napatunayan ng prosecution na walang kaduda-dudang may kasalanan si Arroyo sa nasabing kaso. Isama ang kasong ito sa mga ibinasurang kaso ng pandarambong hinggil sa ZTE-NBN at iligal na paggamit umano ng pondo mula sa PCSO, kung saan daang milyong piso ang pinag-uusapan.

Pinuna rin ng korte ang sapat na oportunidad ng prosecution para patunayan na may sala si Arroyo, na wala ring ipinakitang ebidensiya para ipagtanggol ang sarili. Ang sinabi lang ay sa 11 testigo laban sa kanya, isa lang ang bumanggit sa kanyang pangalan, na hindi rin naman masuportahan ng ibang testigo ang kanyang mga pahayag. Tila lumalabas na mahina ang kaso ng gobyerno laban kay Arroyo, na inabot din ng ilang taon. Hindi ako abogado kaya hindi ko masasabi kung mahina nga o hindi ang kasong isinampa sa dating Presidente. Ang hindi ko lang maintindihan ay sa tagal ng panahon, hindi nila mapalakas ang mga kaso laban sa kanya? Lahat nabasura? Ano pala ang ebidensiyang hawak nila noon para sampahan siya ng mga kaso?  

Walang magagawa kung iyan ang desisyon ng korte. Kaya todo ngiti na ang dating Presidente, na hindi na kailangang maospital, hindi na kailangan ng wheelchair at neck brace. Mukhang gumaling na sabay ng pagbasura sa mga kaso. Ayon sa kanyang abogado, pinakamagandang regalo sa pamilya ni Arroyo ang maabsuwelto. Mga kalaban at kritiko na lang yata ng administrasyon ang mukhang mananatili ang mga kaso. Lahat yata ng kaalyado ng administrasyon ay malaya na.  

Happy New Year!

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with