Trapik dahil sa MMFF
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2018 - 12:00am

MERRY Christmas mga suki!

Noong Linggo tumukod ang trapik sa may Roxas Boulevard, Coastal Road, South Expressway at siyempre apektado rin ang EDSA dahil sa parada ng Metro Manila Film Festival na nagsimula sa Tropical Dr. A. Santos Avenue at nagtapos sa Macapagal Boulevard. Marami ang ginutom at nilamig na mga kababayan natin dahil ang ilan ay napilitan na lamang na maglakad sa kalye kahit na malakas ang ulan upang makauwi o makapasok sa kanilang mga trabaho. Magandang promosyon sana ito sa ating mga artista at film produ­cers na makahatak ng mga taong tatangkilik sa mga pelikulang Pilipino. Subalit mukhang kulang yata sa pre­parasyon ang MMDA at Parañaque City government, kasi ng magsimula na ang parada natural naisara ang kahabaan ng Dr. A. Santos  Avenue at Ninoy Aquino Ave­nue na kung saan pangunahing kalye patungo sa Ninoy Aquino International Airport. Kaya marami ang na-late sa pagsakay ng eroplano, kaya tuloy sa halip na matuwa ang ating mga kababayan ay lalong nabuwisit sa parada.

Ang tanging masaya lamang dito ay si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kasi nga nai-promote niya ang kanyang teritoryo na unti-unti nang yumayabong. Kaliwa’t kanan kasi ang pagtatayo ng mga high rise condominium sa Parañaque City na ang karamihan dito ay inukupa na ng mga Chinese at Korean National. Ito namang Metro Manila Development Authority ay tila hindi nag-aral sa daloy ng trapiko kaya nagkabuhul-buhol ang trapik. Makikitid ang kalye sa naturang lugar, bakit hindi na lang nila dinala sa maluluwag na kalye nang hindi sana naka pamerwisyo. Kaya ang panawagan ko sa MMFF Board, matuto naman kayong magplano sa kalye ng hindi na dumanas ng pagka-gutom, puyat at pagod itong ating mga kababayan.

Namudmod naman ng pamasko ang HuaReb Capital Real State International sa Tondo, Manila. May 5,000 residente roon ang nagbigyan ng pamasko na personal na pinangasiwaan ni Jeff Wang, President, James Lim, Executive Assistance at 20 personal ng naturang kompanya. Naging maayos naman ang pamimigay matapos na maglatag ng seguridad si  MPD Deputy Director for Administration S/Supt. Marcelino Pedrozo at ang Raxa Bago Police Station (PS-1). Maging si Barangay 105 chairwoman Elenita Reyes ay naging abala sa pagbibigay ng kaayusan matapos na mag-umapaw ang tao sa basketball court na ginamit sa pagbibigay ng regalo. Halos walang mapagsidlan ng tuwa itong mga mahihirap nating kababayan diyan sa Tondo sa pamaskong handog ng HuaReb Capital Real State International, isang pribadong kompanya.

Sa kasalukuyan may mga kompanya itong HuaReb Capital na Hightech, Black Chain, Artificial Intelligence Philippine Companies na fully operated na. Malaking tulong itong mga kompanya ng HuaReb Capital dahil nakakatulong ito na makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan at nakaka-contribute na matuto sa mga bagong teknolohiya. Ayon kay Jeff Wang, napili niya itong Tondo na mabahagian ng regalo dahil mas nangangailangan ng tulong ang mga residente roon. Kaya nang matanggap ng mga residente roon ang mga regalo ay namutawi ang ngiti at kaligahan sa mga pamaskong handog. Malaking tulong din naman itong inabot ng HuaReb Capital dahil may ipamimili na sila ng pang-noche buena. Hehehe! O Mga suki, iwasan po nating magpaputok ng rebentador ng maiwasan ang anumang sakuna. Maging mapag-matyag tayo sa ating paligid. Agad n’yong isumbong sa pinakamalapit na presinto ng pulis ang mga taong nagpapaputok ng baril.

CHRISTMAS DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with