Ginahasa ng kadugo
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2018 - 12:00am

(Huling bahagi)

NAPANSIN agad ni Cora ang panghihina at maputlang kondisyon ni Rina kaya agad na inalok ng gamot. Pinigilan niya si Mike nang aktong bubuhusan ng kumukulong tubig si Rina para tuluyan na itong mapatay. Matapos ang apat na araw ay gumaling si Rina at habang natutulog si Mike ay sinamahan ni Cora si Rina sa pagtakas at pumunta sa presinto para isuplong ang kahayupan ni Mike. Matapos masuri ng isang medico-legal ay nagsampa ng kaukulang reklamo si Rina sa mga pulis ng kasong forcible abduction with rape at agad namang inaresto si Mike.       

Ang depensa ni Mike ay totoo raw na may nangyari sa kanila ni Rina pero ginusto rin ito ng babae dahil magkasintahan sila. Katunayan ay tatlong buwan na raw ang kanilang relasyon at madalas silang nagtatalik. Nagsama rin daw sila bilang mag-asawa kahit hindi pa kasal lalo nung inamin ni Rina sa kanya na hindi naman daw niya tunay na tatay si Ciriako. Inamin din ni Mike na may ibang kaso siya ng rape pero hindi raw siya nakitira at nagtago sa bahay ni Ciriako para lang takasan ito.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang depensa ni Mike. Imposible raw ang sinasabi niya. Nahatulan si Mike ng kamatayan para sa kanyang ginawa.

Kinumpirma ito ng Korte Suprema kahit pa sinasabi ni Mike na hindi kapani-paniwala ang testimonya ni Rina dahil sa dami ng hindi pagkakatugma sa kanyang salaysay at sa kanyang testimonya. Ayon sa korte, hindi ito nakakabawas sa kredibilidad ng testigo dahil karaniwan kasi na ex parte o hindi sa loob ng hukuman kinuha ang salaysay samantalang ang kanyang testimonya ay masuring binusisi ng hukom at mga abogado. Isa lang ang naging testimonya ni Rina, na tinutukan siya ng patalim ng tiyuhin kaya siya sapilitang nadukot at naisama, binugbog at minaltrato, at dinala siya sa isang bakanteng bahay kung saan siya ginahasa. Sa pagsasalaysay ni Rina, malinaw at diretso ang salaysay ni Rina kaya ito ay kapani-paniwala.

Hindi rin tinanggap ang sweetheart defense ni Mike dahil walang loveletter, memento, litrato, o kahit anong munting bagay na katibayan na magkasintahan sila. Isa pa, hindi naman kapani-paniwala na ang isang probinsyanang disinuwebe anyos na tulad ni Rina ay papatol at papayag na maging kalaguyo ng kanyang tiyuhin. Kung sila ay magkasintahan bakit siya bubugbugin ni Mike.

Pero kahit dinukot siya ni Mike at dinala kung saan-saang lugar, wala siyang sala ng complex crime na abduction with rape dahil hindi nailagay ang katagang “lewd designs” sa impormasyon. Kaya nahatulan si Mike sa kaso ng simpleng paggahasa o rape lamang at hindi na siya mahahatulan ng kamatayan. Mahigit 18 anyos na rin si Rina at hindi pa nailagay sa impormasyon ng kaso ang relasyon nila bilang magtiyo na dapat sana ay maituturing na qualifying circums­tance o makakabigat pa sa parusa. Tuloy reclusion perpetua o habambuhay na kulong ang naging parusa (People vs. Sabredo, G.R. 126114, May 11, 2000).    

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with