Ginahasa ng kadugo (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2018 - 12:00am

SA krimen ng rape, ang malabong depensa o palusot ng magkasintahan ang akusado at biktima na pareho nilang ginusto ang nangyari. Sa kasong ito naman ay ipinaliwanag ang tinatawag na “complex crime” kung ang nangyaring paggahasa ay may kasamang pagdukot sa biktima pati ang tamang pagkakasulat ng akusasyon sa impormasyon upang masentensiyahan ang akusado sa krimen. Ipinapaliwanag din kung ano ang dapat ilagay sa Information para maparusahan ng kamatayan ang akusado sa rape alinsunod sa RA 7659 kung ang biktima ay menor de edad at kung siya ay may relasyon sa akusado hanggang sa tiyuhin o third civil degree. Ito ang kaso ni Mike.

Nakababatang kapatid ni Ciriako si Mike. Nakatira si Ciriako at anak niyang si Rina sa isang bayan sa Visayas at nagdesisyon si Mike na pumisan sa kanila sa loob ng isang taon. Isang beses, nakita niya si Rina na papunta sa balon malapit sa bahay para maligo. Nahumaling si Mike sa pamangkin, tinutukan ng kutsilyo at sapilitan na dinala si Rina sa may highway kung saan umangkas sila sa truck para makapunta sa katabing bayan. Dahil sa takot, napilitang sumama si Rina sa tiyuhin lalo na at panay ang tusok nito ng kutsilyo sa kanyang tagiliran kahit pa nakatago sa ilalim ng jacket. Dinala siya ni Mike sa bahay ng kapatid na si Vicky pero hindi alam ni Rina na tiyahin din niya ang babae. Doon ay sinubukan ni Rina na tumakas pero nahuli siya ni Mike at walang awang binugbog.

Sa paghihinalang isusumbong siya ni Vicky sa mga pulis, dinala ni Mike si Rina sa pamangkin na si Boyet, pinsang-buo ni Rina pero hindi raw niya alam ito. Pinalabas ni Mike kay Boyet na asawa niya si Rina at isang linggo matapos tumira sa bahay ni Boyet, bandang hating-gabi ay nagawang pagsamantalahan ni Mike si Rina. Tinutukan niya ng patalim ang pamangkin, tinakpan ang bibig para huwag itong makasigaw at napagtagumpayan na makuha ang kanyang pagkababae. Matapos makuha ang gusto, hinalay pa ni Mike ang katawan ni Rina. Dahilan para mapasigaw ito sa sakit at humingi ng tulong. Nagising si Boyet pero walang magawa para matulungan ang babae. Hinampas naman ni Mike ng kapirasong kahoy si Rina kaya nawalan ito ng malay. Pagkatapos ay dinala niya ito sa bahay ng isa pang tiyahin na si Cora.

(Itutuloy)

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with