^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Makulong kaya?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Makulong kaya?

PAGKARAAN ng 27 taon, nahatulan din si da­ting First Lady Imelda Marcos sa kasong graft. Noong 1991 pa naka-filed ang mga kaso sa kan­ya at ngayon lamang nadesisyunan ng Sandiganbayan Fifth Division. Ang hatol sa kanya sa tatlong kaso ng graft, guilty at may parusang 77 taong pagkaka­bilanggo. Ang tanong ay kung mabibilanggo ba talaga ang dating Unang Ginang o balewala lang ito. Nakapaglagak din ng piyansa si Mrs. Marcos pero pinagpapaliwanag siya ng korte kung bakit hindi nakadalo nang ibaba ang hatol.

Ayon sa Sandiganbayan, nagsimula ang pagkamal ni Marcos ng pera nang mag-setup siya ng isang pribadong organisasyon sa Switzerland noong siya ay government official mula 1968 hang­gang 1986. Bawat count ay may katumbas na anim hanggang 11 taong pagkakabilanggo.

Marami ang natuwa at marami rin naman ang hindi nasiyahan sa hatol lalo ang mga biktima ng martial law. Bakit ngayon lamang daw lumabas ang hatol? Hindi rin sila naniniwala na hahantong sa bilangguan ang dating Unang Ginang.

Maraming nagsasabing aapela ang kampo ng mga Marcos sa desisyon ng Sandiganbayan. Tiyak na magagaling na abogado ang kanilang kukunin para mabaliktad ang hatol at mapawalang sala pa ang Unang Ginang. Hindi malayong mangyari ang ganito sa kasalukuyan. May mga nahatulan na nga pero nakakalusot pa.

Malaking katanungan din na kapag nagpalabas ng arrest warrant ang korte, maging mabilis din kaya ang Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa nasasakdal kagaya nang ginawa kay Sen. Antonio Trillanes noong nakaraang buwan na nagbantay sa Senado. Kung hindi ganun ang senaryo marami na namang batikos na maririnig.

Isa pang katanungan, ngayong nahatulang guilty si Mrs. Marcos, tuloy pa ang pagtakbo niyang governor o hindi na. Paano siya makakapagsilbi kung nasa kulungan siya.

Ito naman ay kung makukulong lang siya. Pero maraming nagdududa kung ang nalalabi niyang buhay (siya ay 89-anyos) ay bubunuin pa sa bilangguan. Mahirap yata. Maaaring i-hospital arrest na lang siya. Masarap pa rin ang magiging kalagayan sa kabila na maraming nakuhang yaman.

vuukle comment

IMELDA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with