^

PSN Opinyon

Pag nakarating ito kay Manny Villar, sibak kayo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

GAANO man kalaki ang iyong bahay at bakuran, di mo ito matatawag na ari-arian kung wala kang titulo na pinanghahawakan.

‘Yan ang problemang idinulog ni Lorna Leonillo sa tanggapan ng Bitag-Kilos Pronto. Reklamo niya, walong taon na siyang nga-nga at naghihintay sa wala.

Taong 2010 nung bumili ng bahay at lupa si Lorna sa ilalim ng developer na Camella Homes. May sukat itong 50 square meters at nagkakahalaga ng 278,000 pesos. Noong una ay wala naman daw problema, pero ilang taon ang lumipas unti-unti na siyang nagduda sa Camella. Maka-ilang beses siyang nagpunta sa opisina ng Camella Homes para i-follow up ito. Pero ni-minsan ay hindi siya hinarap ng account officer na humahawak sa kaso. Matapos ang walong taon, wala pa rin sa kanya ang titulo. Kaya naman nagdesisyon na siyang lumapit sa aming tanggapan.

Nakapanayam namin ang inirereklamong Account Officer ng Carissa Homes na si Merba Benedictos. Depensa niya, 2015 lang niya nahawakan ang account ng nagrereklamo. Sa kasalukuyan ay dumadaan daw ito sa legal na proseso.

Anak ka ng kabayo! Walong taon na, di pa natatapos ang proseso?! Puro kayo palusot! Ang sabihin n’yo, natutulog kayo sa pansitan mga putok sa buho kayo! Kapag ito nakaabot sa mga Villar, siguradong mayroon kayong kalalagyan. Kung di kayo masasabon, siguradong sibak ang aabutin n’yo! Kung akala n’yo makakalusot kayo sa palegal-legal process n’yo, neknek n’yo! Solusyon ang hanap ng Bitag-Kilos Pronto. Kaya di uubra sa amin ‘yang mga satsat at excuses ninyo.

Para mabigyang linaw ang kasong ito, kilos pronto ka­ming nakipag-ugnayan kay Atty. Palma Gil, ang Regional Officer ng HLURB-NCR. Aniya, masyado nang matagal ang walong taon para mai-release ang isang titulo. Dapat daw ay anim na buwan lang ang pinaka-mahabang palugit para rito at kapag lumampas pa sa anim na buwan, mayroon na itong kaukulang penalty.

Hindi kami anti-business sa Bitag-Kilos Pronto, maliit man o malalaking negosyo. Pero kung hindi na tama ang estilo n’yo, di naman kami papayag na may maagrabyado. Kaya ang payo ko, kung di ninyo kaya ang maayos na serbisyo, magsilayas kayong mga putok sa buho bago pa makaabot sa Bitag-Kilos Pronto!

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with