^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala: Huwag nang dumihan ang Boracay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala: Huwag nang  dumihan ang Boracay

SA Oktubre 26 bubuksan ang bagong Boracay. Nagkaroon ng dry run noong Lunes at mayroon nang nakitang 28 turista roon na sabik na nag-jogging at naglakad sa malinis na buhangin. Noong Martes, 19 na turista ang bumisita. Inaasahan na sa pagbubukas ng resort sa Oktubre 26 ay dadagsa na ang mga turista.

Isinara ang Boracay noong Abril 26 para isailalim sa rehabilitasyon at paglilinis. Si President Duterte mismo ang nag-utos na isara ang Boracay na tinawag niyang “cesspool”. Ang “cesspool” ay kasingkahulugan ng poso negro. Mai-imagine kung gaano karumi ang karagatan ng isla na naihalintulad sa poso-negro. Sa paglalarawan ng Presidente, talagang napakarumi ng isla na dapat isara at linisin. Hindi lamang ang dagat ang marumi kundi pati ang kabuuan ng island resort. Nasalaula talaga ang isa sa pinakamagandang resort sa mundo.

Dahil sa pagsasara, nawalan ang bansa ng humigit kumulang P56 bilyon sa anim na buwan na pagkakasara. Marami ring residente ang nawalan ng hanapbuhay. Tinatayang may 46,829 residente ang isla.

Isang matalinong desisyon ang pagsasara sa Boracay para linisin. Mabuti at ang Presidente na ang nagdesisyon na isara ang Boracay. Hindi kumikilos ang DENR at mas lalo naman ang local government unit ng Aklan na nakakasakop sa Boracay. Pawang pagkita sa pera ang iniisip ng mga pinuno. Sila mismo ay hindi nakita o naamoy ang umaalingasaw na baho na nagmumula sa mga establisimiyento. Ang mga dumi ng establisimiyento ay pinadadaloy sa dagat kung saan naliligo ang mga turista.

Malaki ang nawala sa pamahalaan dahil sa pagsasara pero maari pa itong kitain dahil mas maganda at bago na ang Boracay ngayon. Mas mainam na nawalan ng kita sa loob ng anim na buwan kaysa naman hayaan na masira dahil hindi ni-rehabilitate. Kung hahayaang masira dahil pinagtatapunan ng dumi ng mga iresponsableng may-ari ng resorts, restaurants, hotels at iba pang establishments ang dagat ng isla, mga ilang taon lang at tuluyan na itong masisira. Wala nang magnanais magtungo rito sapagkat umaapaw na ang dumi sa dagat.

Ang pagkakasara ng Boracay ay maging leksiyon na sa mga iresponsableng may-ari ng establishments sa Boracay. Matuto na sila sa ginawang pagmamalabis sa isla. Huwag nang dumihan ang Boracay.

Related video:

vuukle comment

BORACAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with