^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itaas ang tax sa sigarilyo!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itaas ang tax  sa sigarilyo!

KAHIT mahal ang sigarilyo, marami pa rin ang bumibili. Walang epekto ang pagtataas. Balewala rin ang paglalagay ng graphic warning sa kaha ng sigarilyo. Kahit marami nang namatay sa lung cancer dahil sa paninigarilyo, marami pa rin ang ayaw huminto sa bisyong ito. Ang nakaaa­larma, maraming menor-de-edad ang nalululong na sa bisyong ito. Pabata nang pabata ang mga naninigarilyo.

Ayon sa World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa paninigarilyo at maaari umano itong umabot sa walong milyon sa 2030 kung hindi magkakaroon nang matibay na kampanya laban sa paggamit ng tabako o paniniga­rilyo. Dito sa Pilipinas, 8,518 katao na ang na­matay sa lung cancer ngayong 2018 dahil sa paninigarilyo.

Ayon sa Department of Health (DOH), bukod sa lung cancer, marami pang sakit ang nakukuha sa paninigarilyo: heart disease, stroke at chronic obstruction pulmonary disease (COPD).

Nararapat paigtingin ng DOH ang kampanya laban sa paninigarilyo lalo sa mga kabataan. Kahit saan ay nakakabili sila ng sigarilyo. Maraming cigarette vendor sa kalsada. Maski sa mga gate ng school, may nagtitinda ng yosi at hindi na pinapansin ng mga awtoridad. Balewala ang batas ukol sa paninigarilyo. Maraming naninigarilyo sa mga publikong lugar.

Isa sa mga magandang gawin ng pamahalaan ay itaas pa ang tax ng sigarilyo. Isagad to the max ang tax para wala nang makabili ng yosi. Kapag nagsobrang mahal ang bawat stick ng yosi, tiyak marami na ang titigil sa bisyong ito.

Ngayong nagtaasan na lahat ang presyo ng bilihin, magandang pagkakataon para itaas pa nang sagad ang tax sa sigarilyo. Sabi ni dating Health Sec. Jaime Galvez Tan ang P5.00 increase sa tax ay hindi sapat. Dapat itaas pa ito para ma-discourage ang kabataan na manigarilyo.

vuukle comment

CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with