^

PSN Opinyon

Unang hakbang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LABINDALAWANG taon ang hinintay ng mga magulang nila Karen Empeno at Sherlyn Cadapan bago nakamit ang hustisya. Hinatulang guilty si dating Army Maj. Gen. Jovito Palparan at dalawa pang sundalo dahil sa kidnapping at serious illegal detention ng dalawang UP students. Habambuhay na pagkakulong ang parusa sa kanila. Isa pang akusadong sundalo ang nagtatago.

Hanggang ngayon, itinatanggi ni Palparan na may kinalaman siya sa krimen at kinukuwestiyon ang testigo ng prosecution. Pero bakit nagtago ng halos tatlong taon kung inosente? At bakit nagtatago pa ang isang sundalo? Hindi ko nga maintindihan kung ano ang banta ng dalawang babaing estudyante sa bansa at kailangang dukutin ng mga sundalo? Kung hinihinala silang NPA, bakit hindi pinahuli na lang sa pulis at kasuhan? Armado ba ang dalawang babae kaya mga sundalo ang kailangang dumukot sa kanila?

Nahatulan na si Palparan at mga sundalo, pero hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang dalawang estudyante. Bakit kinailangan pa silang “itago” at hindi na makita. Ang hiling nga ng mga magulang ay ilabas na ang dalawang babae, buhay man o patay. Unang hakbang lang ang paghatol kay Palparan. Kailangan pa ring malaman ng mga magulang kung nasaan ang kanilang anak.

Tagumpay din ito para sa mga grupong karapatang pantao, na matagal nang inaakusahan ang “berdugong” si Palparan, nang paglabag sa karapatang pantao sa kanyang kampanya laban sa komunismo. Marami pang biktima ng paglabag sa karapatang pantao ang hindi pa makamit ang hustisya. Katulad ng kaso nila Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. Ilang taon naman kaya bago sila mabigyan ng hustisya? Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, maaaring matagal dumating ang hustisya, pero dumarating. Pero paano kung patawarin lang ng Presidente ang mga nahatulan? Paano kung may gumapang na naman ng mga kaso at hanapan ng butas, para mapatawad? Malapit si Duterte sa militar at pulis, hindi ba?

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with