^

PSN Opinyon

PAL flight may aberya sa runway, airport sarado

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

YESTERDAY, 13 domestic flights ang naapektuhan ang biyahe dahil nagkaroon ng problema ang isang aircraft ng PAL Express ng sumabog daw ang gulong nito at nasira ang left main gear pagkalapag daw sa runway ng Sibulan Airport sa Dumaguete, Negros Oriental.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagka-problema ang Airbus A320 ng PAL Express na may flight PR 2541 sa Dumaguete matapos itong manggaling sa Mactan International Airport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala naman ini-report na nasaktan sa 113 passengers, 2 infants at six flight crew.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng malaman ng CAAP ang pangyayari ay nagdeklara ito ng ‘Notice to Airmen’ dahil isinara nila ang paliparan para ayusin ang PAL Express aircraft sa runway.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang CAAP kung ano talaga ang nangyari sa eroplano na nakahambalang sa runway.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinansela ang mga biyahe ng PAL from Manila to Dumaguete City habang inaayos na ma-clear ang Runway 09.

Kabilang sa mga apektadong flights sa NAIA, ay ang mga umalis ng alas-8:40 at alas-11:00 ng umaga, at dakong alas-2:10pm papunta sa nasabing airport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humingi raw nang paumanhin ang airline company at tiniyak ang libreng rebooking sa mga naapektuhang mga pasahero nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami rin airline companies ang naapek­tuhan sa pangyayari.

Abangan.

May ‘welcome party’ ang maniac sa karsel

INAANTAY na ni Satanas ang isang bogling kelot na gumahasa sa kanyang dalawang batang pamangkin na ang isa rito ay nabuntis pa ng gago.

Naggagalaiti sa galit ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mabasa nila sa report ni Lordeth Bonilla, ang ginawang kahayukan ng isang Edwin Estudillo, ng Pasay City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang grade 9 at grade 7 students ang pinagnasaan ni bogling Edwin kaya naman naghihimas siya ng rehas ngayon matapos siyang mabantot este mali madampot ng mga alagad ng batas, yesterday.

Ang mag-utol na bebot ay may edad na 14 at 12, ang mas matanda ang nabuntis ng buhong.

Pamangkin daw nang watot ni gago ang dalawang bebot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itinataon na walang kasama ang dalawang bata kung gahasain ng buhong ang mga ito kaya naman pati si Satanas ay galit na galit kay Estudillo nang mabalitaan niya ang ginagawa sa mga bata.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kalalagyan ang bogli pagdating nito sa kulungan dahil inaantay na siya ng mga kapwa niya preso rito para mamasahe nila ang katawan ng maniac.

Habang ginagahasa ng bogli ang kanyang mga pamangkin ay bini-videohan pa niya ang mga ito para ipakita sa kanyang mga kaibigan na kapwa niya gago.

Abangan.

vuukle comment

PAL EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with