^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan babantaan ang taga-Customs?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan babantaan  ang taga-Customs?

MARAMING beses nang binantaan ni President Duterte ang mga sangkot sa illegal drugs na papatayin niya ang mga ito. Sinisira ng mga ito ang buhay at kinabukasan ng kabataan. Kaya na­ging matindi ang kampanya laban sa illegal drugs at umabot na sa 4,000 ang mga napatay sa police ope­rations. Sa SONA noong nakaraang buwan, sinabi ng Presidente na lalo pang babagsik ang kam­panya laban sa droga. May chilling effect, aniya.

Kamakailan, nagbanta naman siya sa mga pulis na sangkot sa droga na papatayin niya ang mga ito. Iniharap sa kanya sa Malacañang ang 100 pulis na iba’t iba ang kaso --- drug dealer, extortionist, hulidaper, AWOL at iba pa. Sabi pa ng Presidente sa mga pasaway na pulis. “Paano kayo nakapasok sa PNP?’’ Pagkatapos pagbantaan sinabi pa ni Duterte na isang team ang binuo niya para banta­yan ang galaw ng mga pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso particular ang illegal drugs.

Ilang araw ang makalipas, sunud-sunod na ang pagpatay ng riding-in-tandem sa mga pulis­ na ina­akusahang sangkot sa droga. Walang maka­pagsabi kung may kaugnayan dito ang pagbabanta ni Duterte sa mga pulis na scalawags.

Ang hinihintay ng taumbayan ay kung kailan naman babantaan ni Duterte ang mga corrupt na opisyal at empleado sa Bureau of Customs na kinakasabwat ng drug syndicates para makapasok sa bansa ang toneladang shabu. Tinatayang nasa P6.8 bilyong shabu ang naipasok sa bansa noong nakaraang linggo makaraang madiskubre sa isang warehouse sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite ang tatlong magnetic lifter na pinaglagyan ng shabu. Traces na lamang ng shabu ang naiwan sa magnetic lifter. Tiyak na ikinakalat na ngayon sa kalye ang sandamukal na shabu.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino, kakutsaba ng drug syndicates ang mga corrupt sa Customs. Maaring hindi umano alam ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang ginagawa ng kanyang mga tauhan. Imposible umanong makapasok sa bansa ang shabu kung walang kakutsaba sa Customs.

Kailan babantaan ng Presidente na papatayin ang mga corrupt sa Customs?

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with