^

PSN Opinyon

PAGCOR naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA PAGCOR naman nakahanap ng mga kuwes­tyonableng gastos ang COA. Nasa P13 milyon ang halaga ng mga 18-karat na gintong singsing ang kinukuwestiyon ng COA. Ibinigay ang mga nasabing singsing sa mga empleyado na nagtrabaho na sa PAGCOR ng 20 taon, bilang gantimpala para sa kanilang serbisyo. Pero may limi­tasyon ang puwedeng igastos para sa mga gantimpalang iyan. Hanggang Pp10,000 lang daw. Hindi binanggit kung ilang empleyado ang nakatanggap ng mga singsing. Nanindigan naman si Andrea Domingo ng PAGCOR at sinabing hihingi ng klari­pikasyon mula sa Tanggapan ng Pangulo. Ahh.

May mga opisyal din ng PAGCOR na tuma­tanggap ng representation and transportation allowance (RATA), pero may mga car plan din. Malalaki pa ang halaga ng RATA na natatanggap. Halimbawa, ang chairman at CEO ay tumatanggap ng P110,000 kada buwan, pero ang nakasaad lang sa batas at nasa P28,000 lang dapat. At kung may car plan na o sasakyan na binabayaran ng gob­­yerno para sa empleyado, hindi na dapat tumatanggap ng RATA. Nasa P58 milyon ang gina­gastos para sa RATA habang P29 milyon ang ginastos para sa mga car plan. Hihingi na naman daw ng klaripikasyon o apruba mula sa Tanggapan ng Pangulo. Ahh.

Hindi pa tapos. May mga opisyal at empleyado naman ng Casino Filipino Davao na bukod sa tumatanggap umano ng Cost of Living Allowance (COLA) sa halagang higit P3 milyon, tumatanggap din umano ng Personal Economic Relief Allowance (PERA) sa halagang higit P9 milyon. Ayon sa COA, hindi puwede ang tinatawag na “double compensation”. Pero sinasabi naman ng PAGCOR na pinayagan daw silang gawin iyan ng Go­vernment Corporate Counsel.

Kung ikaw ang ordinaryong mamamayan, na namamaluktot na dahil sa bigat ng gastusin nga­yon dulot ng karagdagang buwis sa halos lahat ng bagay, matutuwa ka ba sa mga nababasa mo? Na tila napakadaling mabigyan ng pera at bene­pisyo ang mga opisyal ng gobyerno? May kotse na, may gasolina pa. May pera sa kanan, may COLA naman sa kaliwa? Dapat siguro magsikap na lang lahat makapagtrabaho sa PAGCOR, kung ganun.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with