^

PSN Opinyon

Welcome

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“WELCOME to the Philippines, Province of China”. Ito ang nakasulat sa mga inilagay na tarpaulin sa ilang pedestrian overpass sa Metro Manila. May mga natawa, meron hindi. May mga nagsabing parang ganun naman talaga ang sitwasyon. Hindi pa alam kung sino ang naglagay, pero ipinahayag kaagad ng Palasyo na mga kalaban ng administrasyon ang naglagay. Lumabas ang mga nasabing tarpaulins sa ikalawang anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Permanent Court of Arbitration, kung saan ipinawalambisa ang sinasabing “Nine Dash Line” ng China. Pero kahit nanalo ang bansa sa korte, hindi ito iginigiit ni Pres. Rodrigo Duterte sa China, dahil nga sa kanyang gustong maging matalik na kabigan ang Beijing, kapalit ang mga tulong-pinansyal sa bansa, para sa kanyang mga malaking proyektong imprastraktura.

Pero sa pinakabagong pagsusuri ng Pulse Asia, 73 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat igiit ni Duterte ang desisyon ng korte sa China, partikular ang soberenya sa exclusive economic zone. Sa ngayon, kaila-ngan pang magpaalam sa China para makapangisda lang sa sariling karagatan. Sa parehong pagsusuri, maraming Pilipino ang naniniwala na dapat maghain ng protesta ang administrasyon sa embahada ng China sa bansa, hinggil sa patuloy na  militarisasyon ng karagatan. Agad namang naghamon ang Palasyo, na magsampa ng kaso laban sa administrasyon kung walang ginagawa tungkol sa alitan sa karagatan. Nagpahayag din na walang pakialam si Duterte sa pagbaba ng kanyang rating. Kaya tiyak wala ring pakialam sa pagsusuring ito ng Pulse Asia. Sa madaling salita, walang pakialam sa pulso ng taumbayan. Siya lang ang masusunod?

Hinikayat naman ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang administrasyon na makibahagi sa “freedom of navigation and overflights” sa South China Sea, para mapalakas ang katayuan ng bansa kaugnay sa desisyon ng UN noong nakaraang dalawang taon. Si Justice Carpio ang walang pagod na ipinaglaban ang ating karapatan sa karagatan. Pero siguradong hindi ipadadala ni Duterte ang ating mga barkong pandigma sa South China Sea, kasama ang mga barkong pandigma ng ibang bansa, dahil ayaw galitin ang China. Nasa Hawaii ang dalawang barkong pandigma ng Pilipinas para makilahaok sa ehersisyong Rimpac, kasama ang maraming hukbong karagatan. Ayon kay Carpio, dapat maging malinaw na “Red Line” ang Panatag Shoal at Ayungin Shoal sa lahat, para kung sakaling lumabag ang China at magtayo ng mga istraktura katulad sa ibang artipisyal na isla, o kaya ay pilit hilahin ang BRP Sierra Madre mula sa kanyang kinalalagyan, tutulong na ang US dahil sa Mutual Defense Treaty (MDT). Dapat nga. Sa ngayon ay hindi opisyal na kinikilala ang dalawang lugar na teritoryo ng Pilipinas, kaya hindi saklaw ng MDT. Hindi makakatulong ang US, kung sakali.

vuukle comment

CHINA BANNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with