^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pag-recruit sa mga magpupulis, higpitan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pag-recruit sa mga  magpupulis, higpitan

MGA bagitong pulis ang nagpapasakit sa ulo ni Philippine National Police (PNP) Director Ge­neral Oscar Albayalde. Ang mga baguhang pulis ang humahatak pababa sa imahe ng PNP at inilub­lob sa mabahong putikan. Lahat nang paraan ay ginagawa ng PNP chief para mailapit sa taumbayan ang mga pulis pero inilalayo naman ng mga buhong na PO1. Nasasayang ang mga pagsisikap ni Albayalde na ibangon ang imahe ng PNP. Patuloy na dumudungis at walang makapagsabi kung kailan ito malilinis nang tuluyan.

Isang linggo na ang nakararaan, isang PO1 uli ang nagparumi sa PNP nang pagbabarilin nito ang negosyante na nakaaway dahil sa trapiko. Binaril ni PO1 Edgardo Villamil, 24, nakatalaga sa Pasig City police station 5 ang negosyanteng si Esteban Bunga, 35. Umano’y nasagi ng sasakyan ng biktima ang bisekleta ni PO1 Villamil. Nagkaroon ng pagta­talo. Umuwi si PO1 Villamil sa bahay nito at kinuha ang service firearm. Nang bumalik, pinagbabaril si Bunga at ang isang kasama nito. Namatay si Bunga at malubhang nasugatan ang kasama nito.

Kamakailan lang, tatlong magkakapatid na pulis sa Caloocan na pawang may ranggong PO1 ang nag-viral sa social media nang sugurin sa bahay ang nakaalitang motorista. Away rin sa trapiko ang dahilan. Hindi nakauniporme ang tatlong pulis at pawang ipinagyabang ang nakasukbit na baril sa tagiliran.

Noong nakaraang buwan, 10 pulis sa Bulacan na may mga ranggong PO1 ang kinasuhan ng extortion at kidnapping. Sinibak na ang 10 pulis sa puwesto. Isang linggo na ang nakararaan, isang aktibong pulis na may ranggong PO1 din ang nahuling bumabatak ng shabu sa Taguig. Tinanggal na ang pulis sa puwesto.

Malaki ang problema ni Albayalde sa mga baguhang pulis. Ang nararapat niyang gawin, maging maingat na sa pag-recruit ng mga papasok na pulis. Ang PNP na rin ang dapat sisihin kung bakit PO1 pa lamang ang pulis ay pasakit na sa organisasyon. Hindi sinalang mabuti ang mga ni-recruit. Tanggap lang nang tanggap dahil may padrino. Ito ang dapat alisin sa PNP huwag hayaang mamayani ang “padrino system”.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with