^

PSN Opinyon

4 consular offices, bubuksan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kasunduan sa pagitan ng SM Prime Holdings at Gaisano Group para sa bubuksang apat na mall-based consular offices. “We would like to thank SM Prime Holdings­ and the Gaisano Group for expanding their partnership with us,” sabi ni DFA Sec. Alan Peter Caye­tano. “We expect to serve the public better and quicker with the opening of these additional consular offices that would be hosted by our private sector partners at no cost to the government.” May mga consular offices na sa SM City Dasmariñas, Cavite; SM City San Pablo, Laguna: SM Cherry Foodarama Antipolo, Rizal; at sa Gaisano Mall sa Tagum City. Una nang pinasinayaan ang consular offices sa Robinsons Malls, San Nicolas, Ilocos Norte, Santiago City, Isabela, at Tacloban City, Leyte. May tatlo pang consular offices na itatatag sa Malolos City, Bulacan Paniqui, Tarlac at Ozamiz City o sa Oroquieta City sa Mindanao. Pinasalamatan ni Cayetano si Pres. Rodrigo Duterte sa mga inisyatibo upang maging posible sa DFA na magbigay ng serbisyo sa tao sa ilalim ng Exe­cutive Order 45 na pinirmahan ng Presidente noong Oktubre na ang layunin ay magtatag ng karagdagang consular offices. Ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Se­cre­tary for Consular Affairs Frank Cimafranca, ang pagbubukas ng mga bagong opisina ng DFA ay para lalong palawakin ang kapasidad ng tanggapan sa pagbi­bigay ng passport. Dinoble rin ng DFA ang mga van para sa Passport on Wheels Program.

* * *

Maraming nabigla sa pagkatalaga kay Chief Supt. Guillermo Eleazar sa NCRPO. Hindi naman ito kataka-taka dahil noong nasa QCPD siya, marami na itong nagawang pagbabago at noong nasa Calabarzon siya, lalong pumutok ang kanyang pangalan nang malambat ang mga top most wanted persons kabilang ang dalawang pulis. Naging epektibo ang hot line ni Eleazar kaya madaling natitiklo ang mga pusakal at mga kilabot na durugista sa Calabarzon. Noong Huwebes ng umaga lamang nai-text ko sa kanya ang talamak na ratratan ng shabu at marijuana sa San Pedro, Laguna. Kinahapunan nag-text sa akin si Eleazar, identified na ang pushers at pagsapit ng 9:00 ng gabi, tiklo na ang mga tulak. Ang matindi, pagsapit ng 9:00 ng umaga, may nag-text sa akin na si Eleazar ay NCRPO chief na. Ang bilis ng promosyon. Iyan ang inyong aabangan sa susunod kong banat. Abangan!

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

SM PRIME HOLDINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with