Walang pagbabago

KUNG si ACT Teacher’s party-list Rep. Antonio Tinio, ang tatanungin ngayong araw na, bukas na ang karamihan sa mga klase sa Philippines my Philippines nakakatiyak daw siya na wala pa ring pagbabago.

Sabi nga, same old stories and problema!

Marami pa rin ang problema sa mga public schools, andyan aniya ang kakulangan ng mga titser, silid aralan echetera.

Ika nga, hindi pa rin ito mawawala lalo’t dumarami ang bilang ng mga students na mag-aaral sa public schools.

Sabi nga, tiyak sikuhan este mali siksikan pala!

Aminado naman ang DepEd kung si Tinio ang tatanungin na may kakulangan na classrooms sa Metro-Manila.

Ika nga, 18,000 silid aralan.

Ayon sa kongresista, para mapagkasya ito sa classroom tiyak ang mga students na isasaksak dito ay hindi bababa ang bilang sa 50 hanggang 60 pupils.

Sabi nga, marami talaga ang students, inaasahan na ito ng gobierno pero ano ang magagawa nila?

Ika nga, kulang sa pondo o wala nang mapaglagyang lugar?

‘Wala ng lupang paglalagyan sa Metro-Manila. Siksikan na ang madlang people dito at siempre napakamahal ng mga halaga ng properties sa Metro-Manila at halos wala na rin mabibili pa.’ sabi ng kuwagong bulakbol.

Ang birada naman ng DepEd, nakahanda ang halos 47,000 public schools sa lahat ng antas nationwide sa pagbubukas today ng classes.

Magmatyag at makiramdam.

Abangan.

Pekenis uso sa NAIA

AKALA yata ng isang 17-anyos na bebot ay makakalusot ang kanilang istilo sa Bureau of Immigration sa NAIA, nagpapanggap pa itong OFW papuntang Saudi Arabia matapos niyang ibuyangyang ang kanyang mga pekeng dokumento.

Sabi nga, sabit!

Halos isupalpal ng menor de edad na bebot ang kanyang mga pekenis documents ng hingin ng immigration officer sa departure immigration counter para mabigyan ito ng ‘exit clearance’ at maka-biahe sa Riyadh.

Sabi nga, lahat ng hawak nitong documents including passport ay pekenis.

Ibinida ni BI Associate Commissioner Marc Red Marinas, na pinabubusisi niya kasi sa immigration officers ang mga madlang kababayan natin papuntang abroad para doon maghotraba pero kinikilatis naman silang maigi dahil mga bata o menor de edad ang nag-aalisan.

Kaya ayon natsambahan na peke ang mga dalang dokumento.

Sabi nga, huhuhu!

Tinanong mabuti ni Danieve Binsol, BI Terminal 3 TCEU head, ang bebot kaya sa pambobola este maling pagtatanong sa pasahero ay umamin na rin siyang menor de edad ito at magta-trabaho sa Riyadh.

Kaya sa puntong ito, inilipat sa pangangalaga ng DSWD ang bebot na may pekeng dokumento.

Duda si Marinas na balik modus ang mga sindikato ng human trafficking sa NAIA kaya naman bantay sarado sila dito.

Abangan.

Show comments