^

PSN Opinyon

Dapat bang tanggalin ang 4Ps?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

AYAW pang diretsong sabihin ni Agriculture Secretary Manny Piñol na tanggalin na lang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Gumugulo tuloy dahil puro kyaw-kyaw.

Ano bang mayroon sa programang ito? Para sa mga di nakaaalam, ito’y tulong ng gobyerno para sa mga mahihi­rap na Pilipino.

Kahalintulad ng conditional cash transfers, binibig­yang pera ang mga hikahos para pantustos sa araw-araw. Pantawid gutom para doon sa mga hirap talaga sa buhay.

Kasama rito ang pagkakataong makapag-aral ang kanilang mga anak at libreng serbisyong medical. Pinagkakaloob ito sa mga qualified na benepisyaryo ng 4Ps.

Ano ngayong nakikita ni Sec. Piñol?

Gusto niyang gawing kapaki-pakinabang ang mga naki­kinabang sa 4Ps. Aniya, umaasa na lang sa tulong ng gob­yerno ang mga benepisyaryo. Kailangan magbanat naman sila ng buto.

Balansehin natin. Mawalang galang lang kay Secretary Piñol, itong 4Ps -- maliit na tulong para sa kababayan nating­ mahihirap.

Kaya sila binibigyan dahil talagang hirap sila sa buhay. But I agree with you on some points.

Nasusulat sa Bibliya, teach a man how to fish. Do not give him a fish. Naniniwala rin tayo rito. Pero ang punto natin, mayroong mga taong kailangang tulungan. Mga karapat-dapat na below at above poverty line ang estado sa lipunan.

Sec. Piñol ‘wag ka nang sumawsaw dahil programa ito ng Department of Social Welfare and Development at hindi ng inyong departamento.

Mas maganda, ayusin ang sistema sa mga pinipiling benepisyaryo. Gawing thorough ang background checking dahil may mga ‘di naman karapat-dapat pero nakikinabang.

Malakas dahil mayroong patron o kaya naman may pad­rino. Mayroong trabaho, hindi naman naghihirap pero naka­tatanggap ng tulong at nakakakuha ng pera. Ibang usapan na ‘to.

Ang ayaw natin nagagamit ang serbisyo ng gobyerno ng mga mapagsamantala. I rest my case.

vuukle comment

MANNY PIñOL

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with