^

PSN Opinyon

Kauupo pa lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa umiinit ang upuan ni PNP chief Director Ge­neral Oscar Albayalde ay may isyu na sa kanya. May mga pulis daw na nagsasalita nang masama laban kay Albayalde sa social media. Ayon kay Albayalde, maa­aring makasuhan ng “insubordination” ang mga pulis na iyan. Pinahahanap na nga niya sa Directorate for Information and Communication Technology Manage­ment (DICTM) ang mga nasabing pulis. Ayon kay Alba­yalde, hindi ganyan ang tamang ugali para sa pulis. Hindi dapat dinidisrespeto ang mas mataas na opisyal. Kung may mga reklamo, may mga  tamang paraan at proseso ang PNP para ipaabot sa kanya.

Sino naman kaya ang mga iyan, na kauupo pa lang ay may mga reklamo na? Sino kaya ang mga ayaw sa kanya antimano? Alam natin na magiging strikto at ma­higpit si Albayalde sa mga pulis. Alam natin na ang pag­linis at pagpurga ng mga hindi kanais-nais sa hanay ng PNP ang isa sa mga unang gagawin ni Albayalde. Ipagpapatuloy ang mga “surprise inspection” sa mga istas­yon. Kaya sino ang mga ayaw nito? Dapat nga mala­man na kung sino ang mga iyan. Baka sila ang tinutukoy ni Albayalde na “masasamang damo”.

At tulad ni Albayalde, may babala rin ang bagong NCRPO chief na si Director Camilo Cascolan. Lahat daw na sangkot sa krimen, umalis na lang. Kauupo lang ng dalawang bagong opisyal, may mga isyu at babala na. Pero ilang beses na rin nating narinig ang babala na iyan mula sa mga bagong upong hepe. Sana ay tala­gang mahuli ang lahat ng hindi kanais-nais sa kapulisan. Iyan naman ang nais ng mamamayan, para maibalik na rin ang tiwala sa PNP. Kung itutuloy naman ang madu­gong kampanya kontra iligal na droga, sana ay mga drug lord at supplier na ang mahuli, at hindi lang mga “nanlalaban”.

* * *

Nagkamali ako sa isinulat sa nakaraang kolum na sa Disyembre magbubukas ang Boracay. Oktubre ang planong pagbubukas ng Boracay, dahil anim na buwan itong isasara. Kahapon nag-umpisa nang pagsasara ng island resort.

vuukle comment

PNP CHIEF DIRECTOR GE­NERAL OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with