^

PSN Opinyon

Alamin na muna

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BAKIT nga naman Dengvaxia kaagad ang iisiping dahilan ng pagkamatay ng isang doktor, kung wala pang awtopsiya o pagsisiyasat na ginawa, dahil lamang nakatanggap ng Dengvaxia noong nakaraang dalawang taon? Binatikos ng DOH ang PAO sa kanilang mga pahayag na maaaring Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ni Dr. Kendrick Gotoc. Wala raw batayan ang mga pahayag ng PAO kung wala pa namang otopsiya at pagsusuri. Ayon sa PAO, nakaramdam umano si Dr. Gotoc ng mga sintomas na pareho raw sa mga batang naitalang namatay na nakatanggap din ng Dengvaxia. 

Ang gustong palabasin ba ng PAO ay lahat na lang ng nakatanggap ng Dengvaxia ay nasa peligro? Ayon sa Sanofi Pasteur, ang mga hindi pa nagkakaroon ng dengue ay maaaring makaranas ng “severe dengue” kung nakatanggap ng Dengvaxia. Ilan na ba sa higit 800,000 naturukan ng bakuna ang naitalang nagkasakit ng malubha at hindi na naka-rekober? At may matibay na ebidensiya na ba na Dengvaxia mismo ang sanhi ng pagkamatay ng mga naitala sa ngayon?

Ito ang dahilan kung bakit pati ang ibang prog­ra­mang pabakuna ng gobyerno ay apektado na. Nag­karon ng pagtaas ng bilang ng mga nagka-tigdas kailan lang. Maaaring marami ang hindi na pinabakunahan ang kanilang anak. Kung nabakunahan ang mga ito, hindi sana nagkasakit. Huwag lang sana pati mga ibang malulubhang sakit tulad ng diptheria at pertussis at tetano. Isama na rin ang polio, kahit matagal nang nawala sa bansa, patuloy pa rin ang pagbigay ng bakuna sa mga bata.

Sana naman mas maging responsable sa mga pahayag, lalo na kung tila may pangangamba na ang karamihan. Hindi nakakatulong ang paglaganap ng takot. Marami akong kilala na nakatanggap ng Dengvaxia na hindi naman nababahala, dahil nakikita naman nila ang lahat ng impormasyon tungkol dito. Sa kaso ni Dr. Gotoc, napakaraming sintomas ang naramdaman, para sabihin, o isipin kaagad na Dengvaxia. Parang sinabi na dahil umuubo, kanser sa baga na kasi naninigarilyo o may kasaysayan ng paninigarilyo. Hindi ba dapat inaalam na muna, bago nagbibigay ng diagnosis ang doktor?

vuukle comment

DENGVAXIA

DR. KENDRICK GOTOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with