^

PSN Opinyon

Speaker Alvarez at Mayor Sara, nagsabong

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAINIT na balita ngayon dahil pinatutsadahan ni Davao City Mayor Sara Duterte si House Speaker Pantaleon­ Alvarez sa social media. Para na naman tayong nano­nood ng teleserye sa telebisyon, laging nakatutok sa balita para hindi makaligtaan ang sagutan ng bawat isa sa kanila. Sa wakas nakatagpo na si Alvarez ng katapat. Tameme siya ngayon sa mga banat ni Sara sa kanya. Todo deny pa na wala raw kuno siyang sinasabi samantalang taumbayan ang nakarinig sa mga pinagsasabi niya.

Kahit pa sinabi ni President Digong na hindi raw siya makikialam sa alitan ng dalawa sa tingin ko kapag lumala ang alitan ni Alvarez at Sara mas papanigan siyempre ang anak niya. Naniniwala ako sa kasabihang “blood is thicker than water”. Bukod sa matindi pa lang magalit itong anak ni Digong  matalas din pala ang dila nito kung magsalita pareho ng tatay niya o baka daig pa. Hindi pinalampas ang mga pinag-sasabi ni Alvarez.

Kung ipagpapatuloy ni Alvarez ang kanyang gawain baka hindi siya magtagal sa kanyang puwesto. Dumarami na ang kanyang mga kalaban, marami ring galit sa kanya sa Kongreso. Wala silang pinag-kaiba ni Deputy Speaker Rodolfo Fariñas parehong maaangas kung umasta. Bakit kaya naging arogante na ang mga ito? Ipinagmamalaki na ba nila ang kanilang mga puwesto? Alalahanin sana na ibinoto sila ng taumbayan kaya kung hindi kayang magbago ay baka hindi na kayo manalo sa susunod na election.

Biglang umurong ang dila ni Alvarez sa mga banat ni Sara, kumambiyo agad. Sheriff nga hindi niya pina­tawad ikaw pa kaya dahil hindi lahat puwede mong i-bully. Okay ba Mr. Speaker?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with