^

PSN Opinyon

Economic sabotage sa rice hoarders

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA bigat ng kasalanan ng mga nagmamanipula sa supply ng bigas para kumita ng malaki kahit isakri­pisyo ang mga mahihirap na mamamayan, dapat lang mapatawan sila ng pinakamabigat ng parusa.

Tama si Manila, 1st District Rep. Manny Lopez sa kanyang hamon sa pamahalaan na kasuhan ng “economic sabotage ang mga rice hoarders.

Kaso puro dada lang ang naririnig natin sa gobyerno­ sa tuwing susulpot ang problemang ito. Kesyo kakasuhan ng economic sabotage ang mga unscrupulous rice traders pero kapag lumamig ang issue, nakakalimutan na ang aksyon. Grabe.

Hinamon ni Lopez sina Agriculture Secretary Manny Piñol at NFA administrator Jayson Aquino na magsagawa ng raid sa mga bodega ng mga rice traders­ para malaman kung sino ang gumagawa ng katiwalian.

Ang problema, puro bokadura ang mga magigiting nating opisyal. Wala raw rice shortage pero wala ring mabili sa merkado ang mga pobreng mamamayan na napipilitang tangkilikin ang mga mahal na commercial rice.

Tama ang sinasabi ng mga opisyal ng pamahalaan gaya nina Piñol ang Aquino. Walang shortage dahil ang ano mang kakulangang dinaranas natin ay arti­pisyal o kagagawan ng mga nagtatago ng kalakal na ito.

Sesegundahan ko ang panawagan ni Cong. Lopez. Umaksyon na kayo at pag-usigin ang mga rice hoarders­ para patawan ng pinakamabigat ng parusa ang mga negosyanteng walang budhi.  At kung may mga opis­yal o tauhan ng gobyerno na kasabwat ng mga ito, dapat unahin silang ihanay sa firing line.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with