^

PSN Opinyon

Sindikato ng NFA rice, nabuhay bang muli?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, sumabog na ang isyu sa rice shortage. Naging mainit ang National Food Authority (NFA) sa pa­ngambang kulang ang supply ng bigas sa bansa.

Sa isang banda, umaaray ang NFA dahil kailangan na raw mag-import ng bigas. Sa kabila naman, nagsasabing sapat daw ang ating supply. May mga personalidad na sinabing huminahon dahil ‘di totoo ang isyu. Isa na roon si Sen. Cynthia Villar.

Pero mga boss, hindi lang ganito kasimple ang is­yung ito. ‘Di lang ito basta-basta problema ng kakula­ngan sa pinakapangunahing bilihin. Ito ang realidad nga­yon. Walang laman ang mga imbakan ng NFA at ubos ang supply sa mga palengke. Saan napupunta ang mga bigas? May mga demonyo sa lupa at patuloy na guma­gala. Dagdag pa rito, protektado ang mga loko ng kanilang mga padrino.

Tiniktikan noon ng BITAG ang mga truck pandeli­ver­ ng NFA. Ang mga lintik, imbes na sa mga palengke pu­­­munta, sa mga dupang na retailers nagbaba ng kar­gada. Dadayain ang mga bigas at pagmumukhaing hindi NFA ang quality. Gigilingin lang at ililipat ng sako, tan tara ran, commercial rice na! Bebenta ‘to ngayon bilang high-grade rice kuno sa merkado. Ihahalo roon sa lehi­timo at talagang commercial-grade ang kalidad.

Sa pag-iimbestiga ng BITAG, nadiskubre naming ma­lawak ang saklaw ng sindikatong ito. At karamihan sa kanila, mga Chinese! Daan-daang sako ang na-recover ng BITAG noon kasama ang mga operatiba. Walang ka­hirap-hirap, tubong lugaw agad sana ang mga animal.

Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan nang mabisto ang mga loko. Kahit ang mga sanay na mata, mahihi­ra­pang mapansin kung okay ang bibilhing produkto. Tanong, patuloy pa rin ba ang ganitong kalakaran sa NFA? I don’t know.

Pinasa-pasa lang ng mga sindikato ang kanilang “negosyo” sa kanilang mga anak.  Binago lang nang kaunti ang modus para makasabay sa panahon. Walang problema sa amin na balikan ang mga kumag na ‘to nang magtanda. Huhubaran namin sila, magtago man sila sa kanilang lungga.

Kung may napapansin kayong mga ganitong gawain, huwag mag-atubiling magsumbong sa BITAG! Ipagbigay-alam agad sa amin o magsadya sa aming tanggapan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with