^

PSN Opinyon

‘Deed and not the breed’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAMA-MASTER na ni Sen. Sonny Trillanes ang isang estilo na nagpapaikot sa ulo ng kanyang mga supporters, ganoon din ng kanyang bashers.

Eto ang Art of Psy-war. May paniwala ako na natutunan niya ito sa ilang taong pagseserbisyo bilang isang rebelde este sundalo.

When a person keeps lying over and over and over again, when you keep presenting negative twisted facts to the extent of equipping it with cruel intention to achieve your unreasonable desire, that’s what you called brainwashing.

‘Yan si Trillanes. Alam niyang mali, alam niyang walang katotohanan at kapararakan ang kaniyang pinagsasabi pero paulit-ulit pa rin niyang gagawin dahil ang kanyang kapritso ay magdulot ng walang katiyakan o uncertainty sa tao.

Sa umpisa maiinis ka, maiirita sa paulit-ulit na kasinu­ngalingang sinasabi ng isang tao, hanggang sa naging babad ka na sa kanyang presensiya at umabot sa puntong hindi mo na ito pinapansin.

Sa kalagitnaan, sasabihin mong “ah nag-iingay lang ‘yan, hayaan mo na ‘yan, wag ng pansinin.” Subalit kuwidaw ha, sa lebel na ito dapat na mag-ingat. Dahil baka hindi mo namamalayan na ang pambabalewala ay isa na palang uri ng pagtanggap sa kanyang presensiya.

And the worst and last stage is you are starting to believe. Mayroon ka ng nararamdamang pagdududa kung may katotohanan nga ba ang kanyang sinasabi at kalaunan tuluyan mo ng pinaniwalaan.

‘Pag nagduda ka, bitag ka na ni Trillanes. ‘Yung pina­ulit-ulit niyang kasinungalingan, yung pagbomba niya ng kung anu-anong ka-ogagan,‘kalaunan nagiging katotohanan sa utak ng kanyang mga naimpluwensiyahan.

Hindi titigil ang taong ito, patuloy niyang gagawin ang mga eksenang nagpapasikat sa kanya, ngayon, bukas at magpakailanman.

Kaya naman ipinapanganak ang mga katulad ko, pakialamero, kontrapelo, no holds barred at unfiltered na mag-aanalisa ng mga isyu – para balanse.

I am not judging you as a person Sen. Trillanes. It’s not about the breed, it’s the deed!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with