^

PSN Opinyon

‘Pinoy, ikaw ba ‘to?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG ang takbo ng teknolohiya ay napakabilis, at ang isang Juan at Juana Dela Cruz ay ayaw magpahuli. Kaya naman tinagurian na tayong mga Pilipino na top social media users.

Sinasabing kapag napag-iwanan ka sa ebolusyon ng teknolohiya ay mawawala ka sa tunay na mundo, hindi ka na makakasabay sa agos ng buhay. 

May mga gadget applications na talagang nagbibigay­ sigla at tulong sa buhay ng tao. Subalit sa sobrang kaga­anan naman na ibinibigay ng teknolohiyang ito sa tao, nababago ang ating mga karakter at asal bilang tao. ’Yung pamamaraan ng paggamit natin ng teknolohiya, kadalasan sumosobra na. Unti-unti ng sinisira ang pakikitungo natin sa ating sarili at sa ating kapwa.

Pansin n’yo ba? Eto ang ilang halimbawa: marami nang mga magulang at miyembro ng pamilya ang wala ng personal engagement, eye ball to eyeball, wala ng exer­cise ang mga dila sa pakikipag-usap sa isa’t isa dahil dina­daan na lang lahat sa text messaging. May mga anak maya­man diyan na dahil sa laki ng bahay, tinatamad nang bumaba para tanungin ang mga kasama sa bahay kung ano ang pagkain sa bahay, o kung ano ang kailangan, text text na lang ang sistema. 

I’ve seen people and a lot of families in the restaurant and I have been really observing, nakakatawa silang ting­nan, alam n’yo kung bakit? Kakain na lang, instead of engaging and talking to each other while waiting for the food to be served, hindi sila nag-uusap.

Si nanay nagte-text, si tatay may tawag sa mobile, si ate, si kuya nagpi-facebook, si bunso nagyu-youtube. What a heartbreaking scenario: their privacy, engagement and time together is no longer there!

Hindi pa roon natapos ha, habang kumakain naka-cell phone pa rin, magbabayad na lang ng bill, sige pa rin, palabas na ng restaurant, nakatutok pa rin sa gadget and I’m sure pagdating sa sasakyan ganoon pa din ang kanilang mga itsura.

Sa trabaho naman tayo, how often do you engage with your boss and workmates? Baka naman hinahayaan mo na lang si e-mail o si chat box na makipag-usap sa mga tao sa paligid mo, mapapanisan ka ng laway niyan.

There is nothing wrong exercising the latest technology, but if its already dictating and ruling your life, at sinisira na nito ang struktura sa loob ng institusyon, no more reciprocity, complementing, talking and listening with feelings, then there is something wrong.

Paano naman kung bago ka matulog, sige pa rin ang dutdot mo sa telepono mo, madalas nasa ilalim pa yan ng unan mo, ang tanong, nakapagdasal ka na ba? Maliligo, mangungubeta at kung ano man ang gagawin mo ay nakacellphone ka pa rin!

Ganoon din sa pagpapakalat ng fake news, isang post lang sa facebook at iba pang social media sites, mabilis kakalat sa milyong tao sa pamamagitan ng news feeds. Ang tanong, how true and reliable the information is?

Mga bossing, is your family like that? Is it you that I am talking about? Allow me to give you a reminder that we, human, should manipulate and use this technology in our favour and not technology manipulates us.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with