^

PSN Opinyon

CHED, free college education ipatupad na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA panahon ngayon na walang puknat ang pagtaas sa presyo ng bilihin, malaking kaluwagan para sa isang pamilya kung maipatutupad na ang libreng edukasyon sa kolehiyo. Pero bakit kaya hindi pa ito naipatutupad hangga ngayon?

Kinalampag ni Senador Bam Aquino ang Commission on Higher Education (CHED) dahil bigo itong ipatupad nang buo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Ito ang batas na co-authored ni Sen. Aquino na nagbibigay ng libreng tuition at iba pang gastusin sa miscellaneous sa mga pamantasan at kolehiyo ng pamahalaan (SUCs). 

 Huwag nawang makalimutan ng CHED ang layunin ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, sa CHED na nagkabisa noon pang August 18, 2017.  Dapat, saklaw na ang 2nd semester ng school year 2017-2018 gaya nang nabanggit sa bicameral conference at sa ratipikasyon ng panukala sa Senado.

 Bukod diyan, ito ang pangako ng CHED sa tanggapan ni Sen. Bam sa pagdinig ng budget ng ahensiya. Naglaan ang Kongreso at Senado ng P40-bilyon sa 2018 national budget para sa implementasyon nito.

 Gaya ng nasabi ko, mabilis nang nadarama ng ordi­nar­yong mamamayan ang epekto ng Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN). Tumataas na ang presyo ng mga basic commodities.

Kaya dapat nang maipatupad ang free college law sa public universities and colleges. Ito man lang ay makaibsan sa epekto ng tumataas na presyo ng kalakal.

Sa ilalim ng free college education law, mabibigyan ang mga estudyante ng libreng edukasyon sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at vocational schools ng TESDA.

 Kay tagal ding nabimbin ang panukala sa Kongreso bago ito naipasa sa panahon ni Sen. Bam bilang chairman ng Committee on Education noong 17th Congress. Inip na inip na ang taumbayan, CHED.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with