^

PSN Opinyon

Sampung payo sa seniors

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NATALISOD ko ito sa Internet at minarapat na isalin sa Pilipino, para sa ating senior citizens.

Ayon sa saliksik sa America, 51% ng matatanda ang nabubuwal sa pag-akyat-baba ng hagdan. Marami ang nababalian ng marupok nang buto, at may namamatay. Kaya ang payo ng mga dalubhasa, iwasan dapat ang sampung kilos na ito kung mahigit edad-65 na:

(1) Iwasan ang malimit na pag-akyat-baba ng hagdan. Gamitin ang rampa. Kung wala, kumapit nang mabuti sa railings ng hagdanan.

(2) Huwag biglang lilingon o ipipihit ang ulo. Pagba­ngon sa umaga, paluwagin ang mga muscles sa leeg. Dahan-dahang ikutin ang ulo paharap, palikod, pakaliwa, at pakanan. Sabay at dahan-dahan ikutin ang mga balikat, walong beses pasulong, at walong beses paka­bila.

(3) Huwag iyuyuko ang katawan para abutin ang mga daliri sa paa. Kung mag-eehersisyo, mag-warm up muna ng buong katawan.

(4) Huwag magsuot ng pantalon nang nakatayo. Sa­naying gawin ito nang nakaupo.

(5) Huwag biglang uupo mula sa pagkakahiga. Ipihit ang katawan pakaliwa o pakanan, at gamitin ang siko pantulong sa pagbangon.

(6) Huwag biglang ipihit ang katawan sa exercise. Dahan-dahan ibali nang konti ang baywang pakaliwa, pakanan, paharap, palikod.

(7) Huwag lumakad nang paatras. Maaring malala ang injury kapag nabuwal nang patalikod.

(8) Huwag itungo ang baywang kung magbubuhat ng mabigat. Mag-squat nang konti at saka ito buhatin.

(9) Huwag biglang bumangon mula sa kama pagkagising. Maghintay muna ng ilang minuto habang nakahiga.

(10) Huwag piliting dumumi. Hayaan lang ito nang natural.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with