‘Handog ng BITAG sa Bagong Taon’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2018 - 12:00am

MGA Boss, panibagong pakikipagsapalaran na naman ang ating tatahakin! Sigurado ako na lahat tayo ay nagdadasal nang Masagana at Manigong Bagong Taon.  Huwag kayong mag-alala malakas tayo sa Kanya!

Marahil ang iba sa inyo ay nasa probinsiya pa at doon pinagdiwang ang Bagong Taon. Maraming tsibugan at inu­man ano pero hinay-hinay lang tayo mga Boss at baka sumakit ang ulo.

Mga Boss, kung papetiks-petiks lang kayo habang nasa bakasyon at hindi naman kayo gaanong abala, bakit hindi n’yo subukang bisitahin ang aming official YouTube Channel. I-search n’yo lang ang BITAG Official at libu-libo ang videos na inyong makikita.

Marami kayong mapagpipilian, kung gusto n’yo ng laugh trip, basag-trip, bad trip at kung anu-anong trip n’yo sa buhay, mayroon kami sa BITAG Official Youtube Channel!

Maging ang mga BITAG episodes mapa-classic, action-packed at new generation ay present din! Kung gusto n’yo naman ng serbisyo publiko ay mayroon kaming BITAG Public Service at T3 Classics na dating programa namin na mag-uutol!

Mula recent to fresh uploads ay dire-diretso n’yo nang mapapanood ito ng libre. Iba’t ibang programa na may iba’t ibang timpla. Kung hanap n’yo ay analysis, nariyan ang aming BITAG Live at Ben Tulfo Unfiltered. No-holds-barred ‘to, ‘ala akong sinasanto rito!

Kung hanap n’yo naman ay angas, aksyon at tapang, narito ang BITAG New Generation at BITAG US Cops. At ang pambansang sumbungan ng bayan, Kilos Pronto!­ Saan man dako kayo ng mundo, abot namin kayo!

Kaya mga boss kung hindi pa kayo nakakapag-subscribe ay mag-subscribe na para ma-notify kayo sa aming mga fresh video uploads! Nagpapasalamat kami dahil wala pang isang taon ay nasa mahigit three-hundred thousand na ang aming subscribers at nasa mahigit two-hundred milyon na ang aming views.

Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta! Bumabati ako sa inyo ng Maligayang Bagong Taon. Salubungin natin ang 2018 ng positibo at maligaya! Cheers to good life, mga Boss!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with