Proteksiyon
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2017 - 4:00pm

HUMINGI ng tawad si Narc Delemios sa pamilya ni Gerardo Maquidato, ang driver ng Grab na pinatay at tinangay ang sasakyan. Nagharap na si Delemios at ang asawa ni Maquidato sa Campo Crame noong naka­raang linggo. Kung humihingi siya ng tawad, kumpirmado na siya nga ang pumatay. Ang nasabi ng asawa ay bakit niya ginawa iyon sa asawa niya.

Ayon kay Delemois, pera lang daw ang habol pero nanlaban si Maquidato, kaya binaril. Ayon, pati pala sa mga kriminal ay may patakaran na kapag “nanlaban”, patayin. Pero sa likod binaril si Maquidato, at sa kanyang mata pa lumabas ang bala. Paano siya lumalaban kung sa likod siya binaril? Baka ayaw lang talaga ng testigo nitong si Delemios, kaya pinatay. Sana naman ang ganitong klaseng tao ay mabulok na lang sa kulungan. Sa mga ganitong insidente, tila mas mabuti ang parusang kamatayan.

Pinatawag naman ng LTFRB ang may-ari ng taxi kung saan nanuntok ng pasahero ang driver nito. Ayon sa pasahero, nagpahatid sa terminal ng bus sa Pasay, pero ayaw paandarin ng driver ang metro at ang gusto ay bayaran na lang siya ng P200. Hindi pumayag ang pasahero, pero hinatid pa rin daw siya. Nang makarating sa terminal ay sadyang sinira ang isa niyang bag. Nang simulang kunan ng video ang insidente, dito na nagwala ang driver at sinuntok ang pasahero. Agad nagreklamo sa pulis at sa LTFRB. Ngayon, ang may-ari ng taxi ang magbabayad ng kalokohan ng kanyang driver. Kung hindi papangalanan ang driver ay baka makansela ang kanyang prankisa.

Hindi mag-iisa ang insidenteng ito, lalo na ngayong kapaskuhan. Ito ang panahon na marami sa mga taxi driver ang gustong mangontrata na lang, imbis na gamitin ang metro. At dahil diyan, may papalag at papalag na pasahero na mauuwi lang sa gulo. Kaya mahalaga na huwag simulan ang away, at kapag sinimulang pagsamantalahan ay kunan kaagad ng video. Kailangan talaga ng proteksiyon ang sumasakay na publiko sa mga panahong ito.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.