No blood
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2017 - 4:00pm

WALANG nanalo, walang talo. Kapag ganito ang resulta ng isang paligsahan, sinasabing “no blood”. Ibig sabihin ay walang nabalda o namatay at kapwa ay buhay pa rin upang muling makipagsapalaran. 

Noong Lunes, hinarap ni Pangulong Duterte ang katotohanan ng giyera sa Marawi sa harap ng mismong mga delegado ng ASEAN. At, sa isa sa pinakasensi­tibong obserbasyon ng kanyang pagka-Pangulo, inako nito na wala talagang nanalo sa naganap na digmaan. Hindi nga lang masabing literal na no-blood dahil alam nating mahigit libo ang namatay sa ating mga kababayan. 

Ang deklarasyong ito ay pagkilala sa isang mahala­gang argumento laban sa pakikipagdigmaan. Laging may kakaibang motibasyon o malalim na dahilan kung bakit ang bansa ay sasabak sa giyera, maging ang kalaban nito’y taga labas o taga loob din. Subalit hindi maikakaila ang bigat ng halagang binabayaran para rito. Hindi madaling tanggapin na kailangang may mamatay at mapatay na Pilipino para sa ikabubuti ng nakararami. 

Ang ganitong mga obserbasyon ay maaring magsilbing instrumento ng pagbalik-tanaw. Wasto nga ba ang mga desisyong agarang pinagpasiyahan? May mapapala ba sana kung may ibang hindi gaanong agresibong pamamaraan na pinili? 

Hindi na maaring balikan ang natapos nang giyera. At walang may karapatang manumbat ng kung ano sana ang higit na epektibong stratehiya. Subalit sa susunod na mga pagkakataon, maganda kung mahimay ang naranasan nang masiguro na hindi tayo malula sa dami ng namatay o nasaktan.

May mga sitwasyong hindi ka maaring umatras sa hamon. Pakiramdam mo’y hindi na ikaw ang nagdedesisyon at natatangay ka na lang sa agos ng pangyayari. Ito ang realidad ng pakikipag-ugnayan sa entablado ng mundo. Ngunit ano man ang maging pag-iisip para paghandaan ang haharaping pagsubok, mabuti na at natatanggap natin ang katotohanang wala talagang panalo sa giyera. Dahil lahat tayo ay talo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.