‘Facebook page na Tulfo News, bogus!’
Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2017 - 4:00pm

Shoutout sa lahat ng mga Tulfo brothers followers, partikular sa mga fans naming tatlo (Ben, Raffy at Erwin Tulfo) na nakilala bilang T3. Isama ko na ‘yung nakatatandang kapatid na si Mon, may pekeng Facebook page na ginagamit ang aming apelyido.

Etong “Tulfo News” FB page na ito na nagkukubling “fan page kuno” pero ang totoo, sumasakay sa apelyido namin para kumita ng pera.

Kuwidaw ha, may website pa ang mga dorobo sa likod nito kaya huwag na huwag magpapaloko.

Kaya pakiusap ko, ako na si BITAG, sa aming mga tagasunod to please unlike this page and unfollow them.

Wala kaming kinalaman sa nasabing Facebook page na ito na patuloy na kinakalakal ang aming pangalang TULFO nang walang pahintulot.

Kumikita ang mga putok sa buho gamit ang pangalang TULFO at pinapaniwala ang kanilang mga tagasunod na kasapakat kami sa kanilang mga aktibidades sa social media.

Inilalantad ko na ang panloloko at panlilinlang ng page na ito. Habang dumadami ang kanilang mga taga-sunod, lalong kumakamal ng salapi ang mga kenkoy na ito dahil lamang sa aming apelyido.

Kung hindi rin ba naman sangkaterbang gunggong, Tulfo News eh hindi naman kami balita. Public service, investigative, analysis at commentaries ang mga Tulfo, mga ungas.

Gaano na kaya karami ang nabiktima ng mga ito? Huwag na huwag kayong lalapit o hihingi ng tulong sa pamamagitan ng pagkontak sa kanila dahil hindi namin kilala ang nasa likod ng Tulfo News.

Hamon ko sa mga putok sa buho, itigil niyo na kagaguhan niyo. Mga HIJO DE PUTO’T KUTSINTA kayo!

Kahit anong depensa ang gawin ng may kapritso ng website at facebook page ng Tulfo News, kwidaw kayo diyan dahil peke kayo.

Kung walang kikilos walang aaksiyon; ang mga tiwali ay hindi titigil kung walang papalag; magpapatuloy ang kanilang kalokohan at kagaguhan. Mas delikado kung walang magrereklamo, walang mabibisto.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with