EDITORYAL -Taasan ang multa sa traffic violations
(Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

ISANG hakbang para mapatino ang traffic violators ay taasan ang multa. ‘Yung taas na hindi malilimutan kaya hindi na uulit lumabag sa batas ng trapiko. Sa kasalukuyan, maliit lang ang multa sa mga lumalabag sa batas trapiko kaya naisip ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na taasan ito. Magkakaroon daw ng aral ang mga motorista at hindi na ulitin ang pagkakamali kung dodoblehin ang multa.

Ayon kay MMDA chairman Tim Orbos, ang kasalukuyang multa ay ini-imposed pa 10 taon na ang nakalilipas kaya wala na halos halaga. Mababa na ang multa kaya hindi na natatakot ang mga moto-ristang magbayad. Kayang-kaya na nilang bayaran ang multa kaya naisip ng MMDA na panahon na para doblehin ito.

Halimbawa na lamang ay ang multa sa illegal parking na nagkakahalaga ng P500. Kayang-kaya na itong bayaran sapagkat balewala na ang halagang ito ngayon. Gasino na ba ang P500? Ganundin naman ang multa sa mga motoristang lumalabag sa number coding na ang halaga ay P300 lamang. Balewala ang P300 na multa kaya marami ang lumalabag. Ayon kay Orbos, kapag dinoble ang multa maaaring magdalawang isip ang motorista at madidisiplina para sumunod  sa batas trapiko.

Maganda ang balak na ito ng MMDA para ma-disiplina ang mga pasaway na motorista na ginagawang laruan ang kalye. Dahil sa paglabag nila sa trapiko, nalalagay sa panganib ang buhay ng iba pang motorista. Mayroong dahil sa hindi pagsunod sa ilaw-trapiko na kahit dilaw na ay nagpapabilis pa ng takbo sa halip na bumagal, kaya nababangga at nakakasagasa ng pedestrians. Mayroong palipat-lipat ng lane at walang pakialam kung may masagasaan sa ginagawang pagmamaneho.

Tama ang hakbang ng MMDA pero siguruhin lamang na hindi masusuhulan ang traffic enforcer. Baka naman kapag nahuli ng enforcer ay “magkalagayan” lang. Balewala ang gagawin ng MMDA na dagdag-multa kung sa bulsa ng corrupt na enforcer lamang pupunta. Maipatupad sana ito nang maayos para maiwasan na rin ang mga ak-sidenteng dulot nang paglabag sa trapiko.

TRAFFIC VIOLATORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with