^

PSN Opinyon

Inakusahang nagbebenta ng ilegal na droga

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

INAKUSAHAN si Suzie sa paglabag sa  Sec. 5, Art. II ng RA 9165 dahil nahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.

Habang nililitis, tumestigo si PO1 Tess ng lokal na District Drug Enforcement Unit (DDEU) kung paano ginawa ng kanyang grupo ang buy-bust operation. Noon daw Nobyembre 5, 2002, isang impormante na hindi niya kilala ang dumulog sa kanilang tanggapan at sinabing nakatayo si Suzie sa gilid ng kalsada sa kanilang bara-ngay at nagbebenta ng droga.

Ayon pa kay PO1 Tess, nang malaman ito ng kanilang hepe, agad itong bumuo ng isang grupo na magsasa­gawa ng buy-bust operation. Siya ang nagpanggap na bibili ng droga. Si PO1 Bert ang tumatayong team leader at sina PO1 Gerry at Fil ang iba pang miyembro ng grupo. Binigyan siya ng P500 na gagamitin pambili ng droga­. Minarkahan niya ito ng “TBR” bilang tanda. Bandang alas-kuwatro ng hapon, pumunta ang grupo sa lugar na pinag­bebentahan ng droga. Naglakad ang impormante at lumapit kay Suzie. Nagkanya-kanyang puwesto naman ang mga operatiba. Si Suzie noon ay nakatayo sa gilid ng kalsada. Sinabihan siya ng impormante na “ka­ibigan ko i-iscore daw siya” sabay turo naman kay PO1 Tess. Tinanong siya ni Suzie kung magkano ang bibilhin. Sagot naman nito ay P500 sabay abot ng markadong pera. Inabutan siya ni Suzie ng isang maliit na plastik na pakete. Mula sa kung saan, isang lalaki ang lumapit at sinabing gusto rin niyang maka-“score”.

Sinenyasan ni PO1 Tess ang kanyang mga kasama sabay yakap kay Suzie. Nagpakilala siyang pulis at hinuli ang babae. Agad naman na lumapit ang grupo. Kinuha ni PO1 Bert kay Suzie ang markadong P500. Pabalik sa presinto, minarkahan naman ni Tess ang pakete ng droga. Ang markadong pera ay ipinatago ng grupo sa pulis na nakatalagang desk officer noon samantalang ang droga naman ay dinala sa laboratoryo ng PNP upang ipasuri. Ayon sa ulat na may petsang Nobyembre 8, 2002, positibo na shabu ang laman ng pakete.

Tinanggi ni Suzie ang paratang sa kanya. Wala raw siya sa lugar ng krimen. Hindi siya pinaniwalaan ng korte at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo. Mas pinaniwalaan ng hukuman ang prosekusyon. Tama ba ang korte?

MALI. Sa paglilitis sa mga kaso ng illegal drugs, ang pinakaimportante sa lahat ay ang mapatunayan na tala­gang ipinagbabawal na gamot ang sangkot at ang kata­uhan ng taong sinasabing nagbenta nito. Kailangang sundin ang tinatawag na “chain of custody”. Ayon din sa ating batas, kailangan ng pahayag ng lahat ng may kinala­ man sa pagkakahuli. Mula sa oras na makuha ang droga hanggang sa maisumite ito sa korte, kailangang tumestigo ang lahat ng humawak dito. Kailangan din na patunayan ng nasabing mga testigo na walang gumalaw sa ebidensiya.

Sa kasong ito, walang pisikal na imbentaryo o retrato man lang na makapagpapatunay na ang droga at ang pera ay kinuha mula kay Suzie sa presensiya ng kanyang abogado, kinatawan, kinatawan ng Department of Justice o kahit ng media katulad ng hinihingi ng ating batas. Walang binigay na paliwanag ang grupo kung bakit ga-nito ang nangyari kaya nararapat lamang na palayain si Suzie. (Jimena vs. People, G.R. 182296, April 7, 2009).

vuukle comment

BARANGAY CABUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with