^

Narco-politics

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

NOONG 1980s, naging notorious sa international law and order scene ang Colombian drug kingpin na si Pablo Escobar. Sa tuktok ng kanyang kasikatan, ang kanyang organisasyon o cartel ang may control sa halos 80% ng cocaine na pinapasok sa Amerika sa pamamagitan ng smuggling. Tinatayang umabot ng halos $100 billion ang kanyang kayamanan. Siya na ang pinakamayamang kriminal sa kasaysayan.

Naging maiskandalo ang buhay ni Pablo Escobar dahil hindi ito nakuntento sa yamang kinamal sa droga. Dahil siya’y lumaki sa kahirapan, nang magkapera ay naisipan niyang gamitin ang kayamanan upang tumulong sa mahihirap. At ang napili niyang paraan ay sa pamamagitan ng pakikilahok sa pulitika. 

Hindi naging mahirap para sa kanya ang pumasok sa mundo ng pangangampanya. Agad itong inidolo ng mga tao lalo na’t dinaan niya sa pera ang pag-akit sa boto. Tulad din sa atin dito sa Pilipinas, naging ugat ito ng katakut-takot na korapsyon. Paano nga naman malulusutan ng mga drug lord ang kahigpitan ng kapulisan kung walang dagdag na konsiderasyon. Sa laki ng pinag-uusapang pera, naging madaling kontrolin ng drug lord hindi lamang ang pulis kung hindi ang mismong pamahalaan. Ang handang tumanggap ng pera ay hindi naman magtatanong kung saan ito nanggaling.

Sa Mexico, kamakailan, naging iskandalo rin ang pagtakas ng isang drug lord sa bilangguan. Maski ang sikat na Hollywood actor na si Sean Penn ay nasangkot sa pagkahuli sa drug lord. 

Sa atin ay nagwarning na si Sen. Grace Poe sa ma­aring pagsabog din ng drug o narco-politics. Kung ang dating inaasahang source ng pera ay pork barrel, nga­yong nawala na ito ay magiging kaakit-akit na alternatibo ang perang pasabog ng illegal drug trade. Mismong si PDEA chief Cacdac ang kumumpirma na hindi malayong mangyari na ma-impuwensyahan ng pera ng droga ang pulitika sa Pilipinas. Mabuti at itinaas ng Senadora at PDEA chief ang ganitong multo nang sa ngayon pa lang ay maging alerto ang lahat na, kung hindi tayo mag-ingat, baka matulad din tayo sa karanasan ng mga bansang ito.

ACIRC AMERIKA ANG CACDAC DRUG GRACE POE HINDI PABLO ESCOBAR PILIPINAS SA MEXICO SEAN PENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with