Pahalagahan ang sakripisyo
Roy Señeres (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

KUNG mayroon mang pinakamalungkot na Pilipino sa ating kuntemporaryong panahon, sila ay walang iba kundi ang mga kababaihang overseas worker na nagsisilbing domestic helper sa Hong Kong, Italy, Saudi Arabia, UAE at iba pang bansa na ang suweldo  ng mga kasambahay ay $400 (P18,000) isang buwan.

Bakit ko sinabing pinakamalungkot? Dahil kapag panahon ng Pasko o kaya ay graduation ng anak sa school ay hindi sila pinapayagang umuwi.

Pero maliit na bagay iyon kung ihahambing sa pagi­ging martir ng isang OFW sa kanyang sariling pamilya.

Napakarami ng domestic helper ang lumapit sa amin dahil hindi nila kayang lutasin ang kanilang problema.

Ang karaniwang problema nila ay ang pambababae ng kanilang iniwang mister dito sa Pilipinas. Nauubos daw ang padala nilang pera sa bisyo ng kanilang asawa na alak, babae at sugal.

Bukod dito mariing dagok din na natuklasan niya na ang kanyang anak na lalaki ay hindi na nag-aaral at naging­ drug user pa samantalang ang anak na babae ay walang pagpapahalaga sa pagpapaalipin ng ina sa malayong bansa.

Ang laging pinabibili sa ina sa Hong Kong ay signature brands na jeans, bags, sapatos, relo at pati cell phone ay mamahalin gayong nasa 4th year high school pa lamang siya.

Sinikap kong payuhan sila para malutas ang kanilang problema. Sa iba ay naging matagumpay ang ibinigay kong solusyon nguni’t sa iba ay lalong lumala ang sitwasyon hanggang sa pinalayas ng misis na OFW ang kanyang mister nang biglaan itong umuwi sa Pilipinas.

Ang ina ng OFW ang nangasiwa sa tahanan ng martir na OFW. Ipina-rehab ang anak na adik. Kinumpronta rin niya ang anak na feeling mayaman ang lifestyle.

At para magkaroon ng pagpapahalaga sa pera ang magarbong anak, ipinasok niya itong DH sa Hong Kong kaya ng nakadama ito kung gaano kahirap kumita ng pera ay nawala ang kayabangan sa katawan ng anak.

Kaya doon sa mga asawa at anak na patuloy na inaapi ang nagpapaaliping ina ng tahanan sa abroad maawa naman kayo.

Pahalagahan ninyo ang ginagawang sakripisyo ng inyong asawa at ina para magkaroon kayo ng desente, tahimik at maaring maunlad na buhay. 

ACIRC ANAK ANG BAKIT BUKOD DAHIL HONG KONG IPINA KAYA PILIPINAS SAUDI ARABIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with