^

Patuloy ang kalbaryo sa ibang lugar

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2015 - 10:00am

PALABAS na ang Bagyong Lando, bagama’t napakabagal ng pagtahak nito sa hilagang bahagi ng Luzon. Katunayan ay ramdam pa rin sa Metro Manila ang epekto nito sa pamama­gitan ng pag-ulan at malakas na hangin kahit tumagos na ang mga sinag ng araw. Patunay sa laki ng bagyong ito. Mahina na, pero patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan sa bansa. Ayon sa NDRRMC, labindalawa ang naitalang namatay sanhi ng bagyo, at daanglibo ang nilikas mula sa kanilang mga ta­hanan. Baha pa rin sa maraming lugar sa Luzon, partikular sa Nueva Ecija, Aurora, Isabela, pati mga lugar na hindi naman napuruhan ng bagyo tulad ng Zambales, Tarlac at Baguio.

Ilang kalsada at tulay ang hanggang ngayon ay hindi pa madaanan ng sasakyan dahil sa mga baha, landslide at natumbang puno. Dito tayo nagkukulang sa kagamitan para matanggal kaagad ang mga balakid na ito. Mga heavy equipment tulad ng bulldozer na kadalasan ay hinihiram pa kung saan-saan, at mga de-makinang pamputol ng puno. Dapat bawat lungsod ay may mga nakahandang mga kagamitang ito, para sa oras ng pangangailangan ay magagamit kaagad.

Ang naitalang danyos sa agrikultura ay higit P182 milyon inabot. Kung noon ay pinagdadasal ang ulan, iba na ang pinagdadasal ngayon. Mabagal humupa ang baha sa mara­ming lugar dahil wala namang mga sistemang kanal na magdadala ng tubig sa mga ilog o dagat. Kaya kahit wala nang bagyo, pa­tuloy pa rin ang kalbaryo ng ibang lugar. Ang ma­saya lang ay ang mga dam sa Luzon na tuyong-tuyo na. Tumaas nang husto ang lebel ng tubig sa Angat dam, kaya suspindido na muna ang pagrasyon ng tubig sa Metro Manila. Kahit papano ay may magandang naganap. 

Kinabahan naman ako noong Lunes ng gabi nang biglang lumindol. Natakot ako at baka sabay-sabay na kalamidad ang tumama sa bansa. Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa Mindoro, na nagtala ng lakas na 5.8. Kaya pati sa Metro Manila ay nakaramdam tayo ng pagyanig. Mabuti na lang at walang pinsala at danyos na naganap. Hindi ko maisip ang paghihirap ng bansa kung sakaling tumama ang isang ma­lakas na lindol kasabay nang malakas na bagyo.

ACIRC ANG ANGAT AYON BAHA DAPAT KAYA LUZON METRO MANILA MGA NUEVA ECIJA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with