^

PSN Opinyon

Lady mayor, isang platoon ang bodyguards; ’Yung isa, taga-hawak ng bag

SABI NI BUBWIT.... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang halos isang platoon ang bodyguards ng isang lady mayor?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Executive Sec. Eduardo Ermita, Bro. Freddie Martinez ng NIA, Ben Tulfo, Flor Boquiren, Tata Rizal Fernandez, Wyden Rodriguez at Manong Josefino “Peping” Macalma ng Calgary, Canada. Happy 74th anniversary sa DZRH.

Ayon sa aking bubwit, marami ang nagugulat sa isang lady mayor dahil napakarami ng kanyang bodyguards. Kung tutuusin ay daig pa niya ang Cabinet members, senador at congressmen.

Kapag kumain sa restaurant si Mayora, sakop ng kanyang mga kasama at bodyguards ang tatlong mesa. Bukod pa rito ang marami niyang bodyguards na sakay sa isang van, may police mobile car at meron pang escort na motorcycle cops na binansagang “hawi boys.”

Ang pinaka-kuwela ay ang isang bodyguard ni Mayora na taga-hawak ng kanyang mamahaling Hermes bag. Mahilig si Mayora sa mga super-mamahaling bag. Dahil super-mahal ang kanyang mga bag, dapat maingat si Bodyguard sa pagdadala. Kailangan daw ay pasalo sa puwitan ng bag ang hawak at hindi sa handle para hindi pawisan at marumihan.

May kakaibang style din si Mayora kapag dumadalo sa mga party. Gusto niya, siya ang center of attraction. Kapag siya ay nasa party, unang papasok si Mayora na walang dalang bag. Makalipas ang ilang minuto, habang siya ay nakikipag-tsikahan, biglang susunod ang bodyguard na maghahatid ng kanyang Hermes bag na nagkakahalaga ng P2-million.

Ang lady mayor na may bodyguard pang taga-hawak ng kanyang mamahaling Hermes bag ay si Mayor A. as in Aliwan ng Laguna.

AYON

BAG

BEN TULFO

EDUARDO ERMITA

EXECUTIVE SEC

FLOR BOQUIREN

FREDDIE MARTINEZ

KAPAG

MANONG JOSEFINO

MAYORA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with