WALONG buwan nang girlfriend ni Sen. Francis “Chiz†Escudero ang aktres na si Heart Evagelista. Sa loob ng mahabang panahong ito ay hindi natin kinaringgan ng pagtutol ang mga magulang ng artista.
Pero biglang-bigla, lumantad ang mga magulang ng aktres at sari-saring negatibong isyu ang ibinunyag tungkol kay Chiz. Hindi raw sila papayag na mapakasal ang kanilang anak sa isang hiwalay sa asawa na napakalaki ng tanda sa kanilang anak na “baby†pa.
Bukod diyan ay sinabi pa ng mag-asawang Ongpauco (magulang ni Heart) na bastos at nangangamoy alak si Chiz kapag dumadalaw sa kanilang anak. Hindi ko saÂsabihing nagsisinungaling sila. Karapatan ng sino mang magulang ang magmalasakit sa anak.
Pero dahil mahigit na lang sa isang buwan ang midterm elections, tiyak iisipin ng taumbayan na ito’y isang demolition job laban kay Chiz. Alam nang marami na matatag ang pangunguna sa mga surveys nina Loren Legarda at Chiz Escudero at batid natin ang kalakaran sa politika sa Pilipinas: Demolition is the name of the game. Hindi ko rin sinasabing bahagi ng demolition job ang mga parents ni Heart pero dahil sa timing ng kanilang pahayag, malamang iyan ang iisipin ng tao.
Sa isang presscon sa Naga City, pinabulaanan naman ni Chiz ang mga alegasyon. Sasabihin siguro ninyo, sino ba naman ang aamin sa mga mapanirang pahayag. Pero I give Chiz the benefit of the doubt dahil nga sa timing ng pahayag laban sa kanya.
Hindi ko na hahalukayin ng malalim ang isyung ito na masyadong personal. Pero personal man o hindi, taÂlagang ang isang public figure ay palaging nasisilip ang bawat kibot at aksyon. Kaya kung public figure ka, ingat-ingat sa bawat ikinikilos at sinasabi.
Kung tutol ang mga parents ni Heart kay Chiz, so be it. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung bakit kung kailan nalalapit ang eleksyon ay saka sila nagbunyag ng kung anu-anong baho ng senador.