PDEA Academy itatayo sa Tanay, Rizal

MANILA, Philippines — Inaasahang mas magiging sanay, puno ng kaalaman at maga­ling ang mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagtatayo ng  PDEA Academy sa Tanay, Rizal.

Mismong ang Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nanguna sa isinagawang ground-breaking ceremony sa konstruksiyon ng PDEA Academy sa 11 ektarya sa Sitio Tablon, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.

Ayon kay PDEA chief Moro Virgilio Lazo,  ang PDEA Academy ay isang state of the art facilities na layong matutukan ang pag-aaral, pagsasaliksik at pagsasanay ng mga drug law enforcers.  

Itatayo ang PDEA Academy sa isang eco-tourism destination tulad ng Tanay, Rizal kaya nakatitiyak na gagamit ang ‘green buildings’ ng renewable energy.

Bukod sa recruitment at pagsasanay ng mga drug enforcement officers, magbibigay din ang PDEA Academy ng scholarships at programa tungkol sa  anti-drug laws at research.

Magsisilbi rin itong lugar para sa physical conditioning at fitness exercises; combat shooting at marksmanship ng PDEA personnel.

Ang 10 ektaryang PDEA Acadermy ay mula sa Usufructuary Agreement sa local government ng Tanay, Rizal noong March 2021. Nagkakahalaga naman ng P1.56 bilyon ang konstruskiyon nito.

Layon ng pagpapatayo ng PDEA Academy ang ‘safer and drug-free Philippines’ sa susunod na henerasyon.

Show comments