LRT-2, MRT-3 may libreng sakay sa Labor Day

Sa inilabas na abiso ng DOLE, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa mismong Labor Day.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil may handog na libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Transportation (DOTr) para sa mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Sa inilabas na abiso ng DOLE, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa mismong Labor Day.

Kinakailangan lamang umano ng mga ito na magpakita ng kanilang company IDs upang maka-avail ng libreng sakay.

Nabatid na tatanggapin din naman ang mga government-issued IDs kung walang company ID at nasa edad 18-anyos pataas.

“Handog ng DOLE, katuwang ang Department of Transportation - Philippines, Libreng Sakay sa LRT-2 at MRT-3 para sa Manggagawa sa darating na Araw ng Paggawa! Ipakita lamang ang inyong company ID (or government-issued ID para sa mga edad 18 pataas),” anunsiyo pa ng DOLE.

Show comments